Posts

Showing posts from 2018

10th Hike: Mount Purgatory - Mangisi Traverse

Image
Hiking Leaf # 10: 6 mountains in 1 day! Isa sa mga pangarap kong maakyat ay ang mga kabundukan sa probinsya ng Benguet. Dahil na din sa taglay na taas ng mga kabundukan, at syempre dahil malamig ang klima dito. Kaya nang malaman kong may Purgatory event ang isa sa mga Hiking friends ko, hindi ako nag-atubiling magpasama. Ayon sa aking pagreresearch, anim na bundok ang maaakyat kapag natapos mo ang "Purgatory - Mangisi Traverse". Wow! Anim na bundok? Kayanin kaya ng isang araw na matapos ang buong event? Dayhike ang event namin kaya medyo napaisip ako kung talagang kakayanin bang matapos ng isang araw. According na din sa isa kong kakilalang organizer na nakaakyat na doon, ay kaya naman matapos ang anim na bundok. Mas lalo akong na-excite sa hike namin na ito!   9:00 pm ang usapang meet-up sa Cubao, at for the first time, nalate ako sa meet-up time (Ako ang last participant na dumating). Pero ayon na din kay Sir Jovi (Coordinator) ay sakto lang din ang naging

9th Hike: Tarak Ridge

Image
Hiking Leaf # 9: Major Tarak  Nagpasya akong maghanap ng pamalit na event para sa hindi natuloy na hike namin ni Kat sa Pinatubo. Sakto may nakita akong nakapost sa Climber Page na swak sa date ng restday ko at nalaman ko na  Major climb sya, Tarak Ridge. Inaya ko si Jaypee sa climb na'to pero hindi sya makakasama dahil na din sa off-issue nya, sa halip, si Sir Adz (kasamahan ko sa Mount Sawi) na lamang ang inaya ko dahil nalaman ko din na naghahanap sya ng ahon.  March 11, 2018 - 12:00 am ng madaling araw naghintay na ako sa Munoz para magpa-pickup na lamang along the road dahil pa norte naman ang ruta namin (which is sa Quezon Avenue ang meetup). Nalaman ko din na tatlong van kami sa event na'to. Si Sir Jhay ang sumundo sa akin sa Munoz dahil lumagpas pala yung van na sasakyan ko, mabuti na lamang at napansin nya agad ako. Pagsakay ng van feel ko talaga ang pagiging solo-joiner dahil wala akong kasamang kakilala sa van (si Sir Adz nasa kabilang van). Si Natsumi ang b

8th Hike: Mascap Trilogy

Image
Hiking Leaf # 8: Trilogy Returns!  Umayon ang schedule ko ngayong buwan dahil tumama ang rest day ko ng Sunday which is madali nang umahon ulit sa bundok! Sa kabutihang palad may nag-invite din sa akin sa event nila which is Mascap Trilogy. Tatlong bundok, exciting din sya, although sa isip isip ko peak lang yung iba sa trilogy na yun, nag-commit na din ako sa event nila.  Isinama ko yung kaibigan ko na si Mary Rose (nakasama ko sa Mount Sawi) sa event na'to at nagkita kami sa Aurora, Cubao. May iba din akong inaya sa event na'to, si Edlen (katrabaho ko and nakasama ko sa Batulao), si Ella na kapatid nya at sina Ken at yung apat pa nyang kaibigan. Dumiretso na kami sa meet-up, Mcdonalds sa Aurora Blvd. Andoon na yung ibang joiners na kasama namin, and sa pagkakaalam ko, 2 vans kami sa event na'to! Wow!  Exactly 1:00 am, lumarga na kami pa-rizal. Nakatulog ako sa byahe para na rin makabawi ng pahinga dahil galing din ako sa trabaho. Around 3:00 am nang makarating ka