9th Hike: Tarak Ridge
Hiking Leaf # 9: Major Tarak
Nagpasya akong maghanap ng pamalit na event para sa hindi natuloy na hike namin ni Kat sa Pinatubo. Sakto may nakita akong nakapost sa Climber Page na swak sa date ng restday ko at nalaman ko na Major climb sya, Tarak Ridge. Inaya ko si Jaypee sa climb na'to pero hindi sya makakasama dahil na din sa off-issue nya, sa halip, si Sir Adz (kasamahan ko sa Mount Sawi) na lamang ang inaya ko dahil nalaman ko din na naghahanap sya ng ahon.
March 11, 2018 - 12:00 am ng madaling araw naghintay na ako sa Munoz para magpa-pickup na lamang along the road dahil pa norte naman ang ruta namin (which is sa Quezon Avenue ang meetup). Nalaman ko din na tatlong van kami sa event na'to. Si Sir Jhay ang sumundo sa akin sa Munoz dahil lumagpas pala yung van na sasakyan ko, mabuti na lamang at napansin nya agad ako. Pagsakay ng van feel ko talaga ang pagiging solo-joiner dahil wala akong kasamang kakilala sa van (si Sir Adz nasa kabilang van). Si Natsumi ang bumati sa akin dahil before ung event, nagkakausap kami sa Group Chat ng Tarak Group pero habang nasa byahe, natulog lang din kami. Ha! Ha! Ha!
3:30 am nakarating na kami sa Jumpoff ng Tarak, malamig ang hangin dito kaya medyo nginig din ako. Hinanap ko na si Sir Adz, sakto nang makita ko sya nagaayos sya ng bag nya. Tinipon kami ni sir Arvin (Co-organizer ng Adventouristas) para sa kaunting information about sa tatahakin namin. Dito ko din napansin na talagang madami kami. 4:40 am nagstart na kami sa trek.
Patag at medyo medyo maalikabok na daan ung unang part ng trail dahil nasa community pa sya at nadadaanan pa ng mga sasakyan. Malamig ang hangin kaya nakakarelax pa din sa paglalakad. Around 5:00 am ng marating na namin yung tindahan, kung saan makikita mo din yung napakaraming mga tarpaulin na nakapaskil sa mga kawayan. Dito pala yung registration at habang ang iba sa amin, nagkakape na. Ilang minuto na ang lumipas, nagsimula na ulit kami sa trek.
Forested na ang trail pagkalagpas sa tindahan, madilim pa ang daan kaya di ko din makita sa paligid kung masukal na kagubatan ba ang tinatahak namin. Patuloy lang kami paglalakad at naging kagubatan na nga talaga ang dinadaanan namin. May nadadaanan kaming mga guho na kailangan mo talagang tawirin, at may mga parts din na medyo mabato ang trail. Eksakto 7:00 am ng umaga ng makarating na kami sa Papaya River. Maraming mga naka-setup na tent dito at marami ring mga tao. Dahil hindi maulan yung araw ng pag-ahon namin, medyo tuyo ang ilog hindi gaano maragasa. Dito na kami nagpahinga sandali. Di pa ako nagugutom kaya hindi na muna ako kumain, syempre dahil maaga pa naman. Ilang minuto ang nakalipas, nagresume na kami sa trek.
Sinalubong kami ng Assault na trail after ng Papaya River, although hindi naman sya mabato tulad ni Tapulao, hindi mo din matatawaran ang pagkaassault nya. Medyo nahirapan si Sir Adz sa trail na'to syempre dahil first major hike nya na din ito. Deretso lang ang trail at walang ligaw kaya madaling sundan kahit naiwan na kami ng kasama namin. May mga nakakasabay din kami na mga kabataang umaakyat kaya talagang nakaka-motivate din. Naging mabaging at mabato na trail habang papalapit na kami sa ridge. Eto yung trail na kakapit ka sa makakapal na baging o sanga, minsan pa nga mga makakapal na ugat, para lang makaahon ka. Assault pa din ang trail dito kaya talagang nakaka-enjoy ang trail na'to. Around 8:20 am, narating na namin ang ridge part ng Tarak. Sobrang mahangin dito kaya nakayuko ako habang naglalakad ako, hawak hawak ko din yung cap ko dahil alam kong tatangayin ito. Kitang kita dito ang Manila Bay kaya talagang sobrang lakas ng hangin dito.
Hinintay ko muna si Sir Adz bago ako tumuloy sa trail, ilang minuto din ay nakarating din si Sir Adz at dito na kami nagpicture picture. Dumiretso muna kami sa campsite sa ridge at yung iba sa amin, hindi na tumuloy sa summit dahil naakyat na daw nila iyon. Sobrang lakas ng hangin sa ridge, sa sobrang lakas nito ay nagpasya akong hindi na muna suotin yung cap ko sa takot na din na baka tangayin ito. Medyo mabato sa ridge at maalikabok ang daan. May mga part na paahon at may pababa din.
May viewdeck sa peak ng Tarak at dito kami nagpasyang magpapicture ng grupo. Malilim din dito kaya ang iba sa amin ay nagpahinga muna bago umawra. Dahil maganda ang clearing ng mga panahong iyon, tanaw na tanaw ang buong kabundukan ng Mariveles. Pagkatapos mag-group picture ay nagpasya na ang lahat na bumalik na sa campsite sa ridge para mag-tanghalian na din at syempre para magpahinga na din.
Pagkatapos ng isang oras ay nagpasya na din ang buong grupo na magdescent na. Dahil kahinaan ko ang pababang trail, naging mabagal ako pagbaba ng ridge. Sadyang naging napakasaya ng hike na'to dahil kahit papano ay naging close ang isa't isa, kwentuhan habang nasa trail. Bagong kaibigan ang nadagdag at mga nakilala, isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gsuto kong umaakyat ng bundok.
ACTUAL ITINERARY:
12:30 AM pickup @ Munoz, ATD to Bataan
March 11, 2018

Banner ng Acrophile spotted!

Selfie with Sir Adz, first major daw nya
Take 5 sa Papaya River
Ang pamosong C-Shape branch sa assault part ng Tarak.
Sinalubong kami ng Assault na trail after ng Papaya River, although hindi naman sya mabato tulad ni Tapulao, hindi mo din matatawaran ang pagkaassault nya. Medyo nahirapan si Sir Adz sa trail na'to syempre dahil first major hike nya na din ito. Deretso lang ang trail at walang ligaw kaya madaling sundan kahit naiwan na kami ng kasama namin. May mga nakakasabay din kami na mga kabataang umaakyat kaya talagang nakaka-motivate din. Naging mabaging at mabato na trail habang papalapit na kami sa ridge. Eto yung trail na kakapit ka sa makakapal na baging o sanga, minsan pa nga mga makakapal na ugat, para lang makaahon ka. Assault pa din ang trail dito kaya talagang nakaka-enjoy ang trail na'to. Around 8:20 am, narating na namin ang ridge part ng Tarak. Sobrang mahangin dito kaya nakayuko ako habang naglalakad ako, hawak hawak ko din yung cap ko dahil alam kong tatangayin ito. Kitang kita dito ang Manila Bay kaya talagang sobrang lakas ng hangin dito.
Napaka-gandang clearing! Sa ibabaw ng ridge!
Tarak Ridge trail. Makikita din ang Tarak Peak.
Mountain range ng Mount Mariveles
Hinintay ko muna si Sir Adz bago ako tumuloy sa trail, ilang minuto din ay nakarating din si Sir Adz at dito na kami nagpicture picture. Dumiretso muna kami sa campsite sa ridge at yung iba sa amin, hindi na tumuloy sa summit dahil naakyat na daw nila iyon. Sobrang lakas ng hangin sa ridge, sa sobrang lakas nito ay nagpasya akong hindi na muna suotin yung cap ko sa takot na din na baka tangayin ito. Medyo mabato sa ridge at maalikabok ang daan. May mga part na paahon at may pababa din.
Selfie sa Tarak Peak!
Selfie kasama ang aking "Twinny" Gerard!
With Ms. Jen -
May viewdeck sa peak ng Tarak at dito kami nagpasyang magpapicture ng grupo. Malilim din dito kaya ang iba sa amin ay nagpahinga muna bago umawra. Dahil maganda ang clearing ng mga panahong iyon, tanaw na tanaw ang buong kabundukan ng Mariveles. Pagkatapos mag-group picture ay nagpasya na ang lahat na bumalik na sa campsite sa ridge para mag-tanghalian na din at syempre para magpahinga na din.
Groupie muna sa tindahan
Selfie with the Legion of banners!
Victory climb shot!
Pagkatapos ng isang oras ay nagpasya na din ang buong grupo na magdescent na. Dahil kahinaan ko ang pababang trail, naging mabagal ako pagbaba ng ridge. Sadyang naging napakasaya ng hike na'to dahil kahit papano ay naging close ang isa't isa, kwentuhan habang nasa trail. Bagong kaibigan ang nadagdag at mga nakilala, isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gsuto kong umaakyat ng bundok.
ACTUAL ITINERARY:
12:30 AM pickup @ Munoz, ATD to Bataan
3:30 AM ATA Jumpoff
4:40 AM Start of trekk
5:50 AM Nanay's Sari-Sari store
7:00 AM Papaya river, rest
7:20 AM Resume
8:20 AM Ridge (Campsite, rest)
8:30 AM Resume trekk going to peak
9:25 AM Summit or Tarak Peak
9:45 AM Descent to Campsite
10:15 AM Ridge campsite, lunch, rest
11:20 AM Start descent to Jumpoff
3:00 PM ATA jumpoff, socials
4:00 PM ATD going back to Manila
4:00 PM ATD going back to Manila
March 11, 2018
9th hike
My 13th mountain (my 3rd major)
Tarak Peak (1,130+ masl)
Major Climb
Notes: Tarak Peak is one of the Mt. Mariveles' peaks, part of its Caldera
Comments
Post a Comment