10th Hike: Mount Purgatory - Mangisi Traverse

Hiking Leaf # 10: 6 mountains in 1 day!



Isa sa mga pangarap kong maakyat ay ang mga kabundukan sa probinsya ng Benguet. Dahil na din sa taglay na taas ng mga kabundukan, at syempre dahil malamig ang klima dito. Kaya nang malaman kong may Purgatory event ang isa sa mga Hiking friends ko, hindi ako nag-atubiling magpasama. Ayon sa aking pagreresearch, anim na bundok ang maaakyat kapag natapos mo ang "Purgatory - Mangisi Traverse". Wow! Anim na bundok? Kayanin kaya ng isang araw na matapos ang buong event? Dayhike ang event namin kaya medyo napaisip ako kung talagang kakayanin bang matapos ng isang araw. According na din sa isa kong kakilalang organizer na nakaakyat na doon, ay kaya naman matapos ang anim na bundok. Mas lalo akong na-excite sa hike namin na ito!

  9:00 pm ang usapang meet-up sa Cubao, at for the first time, nalate ako sa meet-up time (Ako ang last participant na dumating). Pero ayon na din kay Sir Jovi (Coordinator) ay sakto lang din ang naging dating ko dahil nagpamove ng oras ng alis ang driver ng aming van na sasakyan. Kasama ko sa event na to sina Ken at si Badet (mga nakasama ko sa Mascap Trilogy). 10:50 pm, bumyahe na kami patungong Benguet. Mahaba ang naging byahe kaya nakatulog din ako, ok na din dahil kulang ako sa tulog at para makapagpahinga na din.

 1:55 am nag-stopover ang grupo para kumain na din ng agahan. Dito na din ako bumili ng aking pack-lunch para mamaya at kumain kami ng lugaw. Ilang minuto pa ay bumiyahe na ulit kami. Pagkarating ng Baguio ay may pinick-up pa kami na another participant ang then byahe ulit. Nahirapan ako sa byahe patungong registration station, siguro dahil sa sobrang bilis na din magpatakbo ng aming driver pero natural na talaga iyon sa mga nagiging driver ng mga nasasakyang kong van sa mga hikes. Dahil zigzag ang daan at sa bilis na din ng van, sobrang nahilo ako sa byahe at naalog na ako, pagka-stop over ng van ay sumuka ako sa gilid ng daan, first time!


Groupie after ng Orientation

 5:10 am nakarating na kami sa registration station. Sobrang lamig talaga at dahil wala akong dalang jacket ay nangangatog akong lumabas ng van. May nakasabay kaming isa pang grupo kaya marami kami sa loob ng station. Required ang magpa-Blood pressure dito kaya bawat isa sa amin ay dumaan dito. Nagsagawa din ng orientation about sa aakyatin naming mga bundok, ang trail na dadaanan at ang mga bagay na hindi at dapat. After orientation ay bumiyahe na ulit kami patungong jump-off, medyo malayo layo din ang distansya mula reg station hanggang jump-off.

Japas Jump-Off

 Around 6:30 am ng makarating na kami sa jump-off. Nagprepare na ang buong grupo at syempre, groupie! 6:45 am nagstart na kami. Sementado ang unang part ng trail pero assault kaagad ang bubungad saiyo. Binagalan ko lang ang pacing ko para di ako gaano mapagod. Malamig din ang klima kaya presko din sa pakiramdam habang umaakyat.



 Wala pang kalahating oras ng marating na namin ang first community at nagpasya ang lahat na magpahinga muna dahil sa naging assault trail kanina. May dumadaan na mga behikulo dito at nagtaka ako kung saan sila nanggagaling. Ha! Ha! Ha! Nag light breakfast ang iba sa amin habang nagpapahinga. Pagkatapos nito ay nagsimula na ulit kami sa paglalakad. Ilang minuto lang sa paglalakad ay narating na namin ang sign post ng Mount Mangagew. After magpapicture ay balik na kami sa paglalakad. Puro kabahayan ang makikita along the trail pero dahil nasa mataas na lugar kami, kitang-kita ang napakagandang view ng mga kabundukan ng cordillera.

First community - School

First peak - Mount Mangagew



Selfie sa last water source


 Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa narating na namin ang medyo malapad na daan kung saan nakakadaan yung mga kotse (Pero hiwaga pa din sa akin kung saan patungo yung mga daan na yun). Along the way ay may dumaan sa amin na motorsiklo at nagtaka talaga ako kung saan yun tumungo. Patuloy lang kami sa paglalakad, napakahabang lakaran pero dahil malamig ang klima, hindi ko gaano naramdaman ang pagod sa paglalakad. Around 10:30 am nang marating na namin yung "pathway" papasok sa peak ng Mount Pack. Nag-selfie muna ang lahat. Naabutan din namin yung naunang grupo na kasabay naming nag-dayhike nung araw na yun.






 Di kalayuan sa pasukan sa "pathway" ay nakita na namin ang malaking signboard ng Mount Pack, at first, inakala naming lahat na yun na ang summit ng Mount Pack. Sinabihan agad kami ng guide na hindi pa iyon ang summit ng ikalawang bundok na aming aakyatin. Naging magubat na ang daan paakyat sa Mount Pack. Naging masukal at magubat na ang daan dito, at dito ko na din unang nasilayan ang pamosong 'mossy forest' ng traverse na ito. Syempre di namin pinalampas ang pagkamangha sa aming nakita at nagpicture picture na ang bawat isa sa amin.

Emote Emote muna!

 May mga parts ng trail na medyo assault pero kayang-kaya naman sya. Around 11:00 am ng makaabot ng marating na namin ang summit ng Mount Pack. Dito na din ako umupo dahil nakaramdam na din ako ng pagod. Kumain din kami habang nagpapahinga at nakapila para magpapicture sa sign board ng Mt. Pack. Hindi din kami masyado nagtagal at nagpasya nang magpatuloy sa trail after magpa-picture dahil sa sinusunod naming itinerary at syempre, may apat pa kaming bundok na aakyatin, which is ang Mount Purgatory na ang kasunod namin.

Second summit - Mount Pack (Banskila)

 Banayad lang ang trail papuntang Mount Purgatory, halos naging pababa ang mga daan namin kaya hindi na din namin nagawang magpahinga ng mga kasabay ko sa trail. Magubat pa din ang trail dito pero may mga part na masisilip mo ang view. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad and after isang oras ng paglalakad ay naging open na trail. Natanaw na namin ang sign board ng Mount Purgatory, as usual, picture picture kami! Ha!Ha! Dumiretso na kami sa campsite sa summit at dito na nananghalian ang aming grupo. Dito din nananghalian yung naunang grupo sa amin. Habang kumakain ay tanaw na namin ang dumidilim na kalangitan, nagbabadya ng pag-ulan. Sinabihan na din kami ng guide na wag na masyado magtagal para di kami abutan ng dilim sa trail. Sinunod din namin ito dahil 30 minutes lang ang itinagal namin sa pagpapahinga at nagpatuloy na ulit.

Third summit - Mount Purgatory in a Lancelot Pose! 


 Isang oras din ang itinagal ng aming trail papuntang Mount Bakian. May mga kabahayan na din dito which is yung sign board ng Mount Bakian ay nasa daanan lamang. Wala kaming mga nakitang tao sa lugar pero may mga bahay sa summit. Hindi kami masyado nagtagal at dumiretso na kami papuntang Mount Tangbaw. Umaambon na din ng mga oras na yun. Ayon sa guide, wala pang isang oras ang distansya mula Bakian hanggang sa Tangbaw, yun din ang nagboost sa amin na mag-dirediretso sa trail (Hindi naman talaga sya nakakapagod gawa ng malamig ang klima at presko).


Fourth Summit - Mount Bakian



 Along the way ay may nakasalubong kaming matandang babae kung saan may bitbit bitbit itong medyo malaki at mahabang sanga! Kung iisipin, mahihirapan akong buhatin yung dala-dala ni lola pero mapapansin mo din sa kanya na parang hindi man lang sya nahihirapan (siguro nasanay na din gawa ng kanilang pamumuhay sa kabundukan). Binati namin si lola at kinamusta namin sya, nakakatuwa lang dahil nakangiti sya sa aming sumagot kahit na lokal na dialekto ang isinasagot nya sa amin kung saan hindi namin maintindihan.



 Wala ngang isang oras (35 minutes) at narating na amin ang community kung saan malapit na malapit lang ang sign board ng Mount Tangbaw. Sinalubong kami ng mga bata pagdating sa community nila. Nagbigay kami ng mga sobrang trail foods namin sa kanila kahit na hindi sila nanghihingi pero ramdam mo ang kasiyahan sa mga itsura nila pagkatapos mabigyan ng kaunting pagkain mula sa amin. Iniwan namin ang aming mga dalang gamit sa isang tindahan at dumiretso sa sign board ng Tangbaw at nagpicture picture. Naging madalian lang ang aming ginawa dahil nagmamadali na din talaga kami.


Fifth summit - Mount Tangbaw

Selfie with the local kid

Snapshot sa harap ng tindahan

Groupie sa Tangbaw

 May iba sa amin na hindi na tumuloy sa last peak at nagpasyang magpaiwan na lang sa tindahan para magbantay ng aming mga gamit. Dumiretso na kami paakyat sa Mount Kom-kompol. Bumuhos na din ulan kung saan nagbigay challenge ito sa trail. Pagkatapos ng mala-burol na daan unahang bahagi ng trail ay pumasok na kami sa magubat na parte ng trail. Madalas assault ang trail dito. Nagsimula na din bumagal ang aming grupo dahil na din sa klase ng trail. May mga oras din na humihinto kami ni Ken sa trail para mag-take 5 (take 10 seconds lang yata). May mga part na naging maputik din dala ng ulan.

 Almost 1 hour din ang tinagal ng aming trail at narating na namin ang view deck ng Mount Kom-Kompol. Sobrang kasiyahan ang aming nadama pagkatapos marating ang viewdeck ng huling bundok ng aming trek. Dahil sa ulan, naging sobrang lamig dito at dahil na din wala akong poncho, talang nangangatog ako. Ayon sa aming guide, may papasok pa after ng viewdeck kung saan andun talaga ang pinakasummit ng Kom-Kompol pero sinara ito dahil inaayos daw ang trail dito. Tanaw sa viewdeck ang Pulag although medyo maulap gawa ng ulan. After ilang minuto sa viewdeck ay nagpasya na kaming bumalik.

Sixth summit - Mount Kom-Kompol


Badet, Me, and Ken - The Trio

Group Pic sa View point

With Manong Guide


Mount Pulag (Far Left) and Mount Salingsingan (Right)

 Pagkabalik sa tindahan ay tumigil na ang ulan. Dito na din kami kumain ulit habang nagpapahinga. 5:30 pm na din nagsimula na kaming mag-descent pababa ng bundok. Along the way (shortcut daw ang dinaanan namin ayon sa aming guide) ay mamamangha ka talaga sa ganda ng kabundukan dito sa Benguet. Marami na ding mga kabahayan dito at minsan naisip ko na nakakainggit na ganitong view sana ang makikita ko tuwing gigising ako sa umaga, pero syempre iba-iba ding pananaw yan ng tao, lumaki ako syudad kaya malamang talagang bago at bago sa pakiramdam yung ganitong view na makikita which is di mo makikita sa ibaba.


Amazing shot habang pa-descent kami!



 Inabot na kami ng dilim ng marating namin ang sementadong daan sa ibaba at napaka-swerte namin dahil may dumaang truck at hindi nag-atubiling isakay kami hanggang sa munisipyo (naghati hati ang aming grupo para makapag-bigay kay kuya driver dahil sa pag-sakay nya samin).

 Sadyang kakaibang experience talaga ang mga kabundukan ng Benguet dahil bukod sa klima, yung pakiramdam na idinudulot nito sa akin na hinding-hindi ko nararamdaman sa siyudad, preskong hangin, ang mossy forest, at syempre ang payak na pamumuhay ng mga taong nakatira sa kabundukan.

ACTUAL ITINERARY:
10:50 PM     Meetup Telus Cubao
11:20 PM     ATD going to Benguet
1:55 AM       Stop-over Pangasinan
2:30 AM       resume
4:00 AM       ATA Baguio, pickup participant
5:10 AM       ATA DENR Registration Office, seminar
5:30 AM       resume going to jumpoff

 10:50 PM - ATD Cubao
 1:55 AM ATA Stop-Over
 2:30 AM Resume
 5:10 AM ATA DENR Registration Office
 6:40 AM ATA Jump-Off
 6:45 AM Start of Trek
 7:15 AM First Community / Rest
 7:40 AM Resume
 7:50 AM Mount Mangagew (1st)
 9:00 AM Last water source
 11:00 AM Mount Pack - Summit (2nd)
 11:10 AM Resume
 12:30 PM Mount Purgatory - Summit (3rd) / Lunch
 1:00 PM Resume
 2:00 PM Mount Bakian (4th)
 2:10 PM Resume
 2:45 PM Tindahan / Mount Tangbaw (5th)
 2:55 PM Resume
 3:58 PM Mount Kom-Kompol (6th)
 4:45 PM ATA resumed at Tindahan
 5:30 PM Start descent
 6:45 PM Paveroad (waiting truck)
 7:30 PM ATA Bokod Municipal Hall
 10:30 PM ATA Baguio
 2:00 AM Manila

April 22, 2018
10th hike (my 4th major)
My 14th - 19th mountains

Purgatory - Mangisi Traverse
Mt. Mangagew (1,705+ masl)
Mt. Pack (2,290+ masl)
Mt. Purgatory (2,080+ masl)
Mt. Bakian (2,100+ masl)
Mt. Tangbaw (2,200+ masl)
Mt. Kom-kompol (2,329+ masl)
Major climb

Comments

Popular posts from this blog

14th Hike: Montalban Trilogy V2

4th Hike: Mount Talamitam

2nd Hike: Taal Volcano