8th Hike: Mascap Trilogy
Hiking Leaf # 8: Trilogy Returns!
Umayon ang schedule ko ngayong buwan dahil tumama ang rest day ko ng Sunday which is madali nang umahon ulit sa bundok! Sa kabutihang palad may nag-invite din sa akin sa event nila which is Mascap Trilogy. Tatlong bundok, exciting din sya, although sa isip isip ko peak lang yung iba sa trilogy na yun, nag-commit na din ako sa event nila.
Isinama ko yung kaibigan ko na si Mary Rose (nakasama ko sa Mount Sawi) sa event na'to at nagkita kami sa Aurora, Cubao. May iba din akong inaya sa event na'to, si Edlen (katrabaho ko and nakasama ko sa Batulao), si Ella na kapatid nya at sina Ken at yung apat pa nyang kaibigan. Dumiretso na kami sa meet-up, Mcdonalds sa Aurora Blvd. Andoon na yung ibang joiners na kasama namin, and sa pagkakaalam ko, 2 vans kami sa event na'to! Wow!
Exactly 1:00 am, lumarga na kami pa-rizal. Nakatulog ako sa byahe para na rin makabawi ng pahinga dahil galing din ako sa trabaho. Around 3:00 am nang makarating kami sa Brgy. Mascap, unlike sa jump-off ng Rodriguez, sarado pa mga tindahan pagkadating namin doon. Nag-stay muna kami doon habang hinihintay ang aming mga guides. Pagkakataon na din para makapag-almusal bago mag-start ang climb.
Orientation muna
4:00 am tinipon na kaming lahat ni Ms. Lea (TAMAD PH HIKERS) para i-orient kami and syempre kaunting reminders lang, kasama na din namin yung limang guides namin (dahil madami nga kami). Gumawa na din ng formation si Ms. Lea, nagpasya na lang kami ng mga kasama ko na magpa-middle na lang para banayad lang and then nag-start na kami sa trail. Mount Ayaas daw ang una naming aakyatin, ang pinakamataas sa Mascap Trilogy.
Sementadong daan yung unang part ng trail, madilim pa kaya di ko pa makita mga nasa paligid pero may mga bahay-bahay kaming nakikita. After almost kalahating oras ay naging forested na ang trail at may river crossing pa kaming nadaanan. May kaunting paahon na part pero may mga makakapitan ka din naman. Almost isang oras na kami naglalakad, ng magsimula nang lumiwanag ang kalangitan, sakto ito pagkarating namin sa transmission tower dito nagpasya muna kaming mag-take 5 dahil assault na daw ang trail dito. May mga nakasalubong pa kaming grupo na nag-sasagawa ng kanilang Undecalogy hike, at namangha pa ako dahil may kasama silang mga bata pa.
Nagstart na kami sa trail and ayon sa aming kasamang guide, 30 minutes pa daw ang itatagal sa trail patungong summit. Assault at medyo makipot ang trail paakat ng ayaas. May mga pagkakataon na pinupush ko na yung ibang kasama ko na tumuloy at umahon dahil ramdam ko din yung pagod nila. After ng ilang minuto, nakaabot na kami sa view deck ng Ayaas kung saan tanaw mo na ang sea of clouds, ang Binacayan at Pamitinan, maging ang Sierra Madre mountains! Nagpatuloy lang kami sa trail hanggang sa makarating na kami sa summit ng Ayaas. Best part pa dahil dito na kami naabutan ng sunrise!
Best part ng trail! View!
Sea of Clouds
Medyo nagtagal kami dito nagpapicture ang karamihan sa amin sa buwis buhay pose nila sa famous na sanga sa Ayaas!
Ms. Analyn (Co-coor), Mary Rose at Ako
Ella, Edlen at Ako
Ako, Ken kasama ng kanyang team!
Over looking sa Sierra Madre mountains
Group Pic sa Ayaas
After magpapicture ng lahat at mag-group pic, nagpasya na kaming magdescent patungong Espadang Bato. Backtrail lang din ang ginawa namin. Nagtakefive kami ng mga kasama ko sa isang kubo bago magjunction, ang iba sa amin ay kumain at nagpahinga. Dito, nagpasyang magpaiwan sina Edlen at Ella (na dapat hindi ko ginawa at hinintay ko pa din sila)dahil sobrang pagod pa sila. Nagsabi sila na sasabay na lang sa sweeper team which is si Ms. Lea ang lead nila.
Nakarating kami sa junction at nagpahinga kaunti para hintayin ang sweeper team para malaman na din kung kasabay nila sina Edlen at Ella. Medyo matagal-tagal din kami naghintay at nagresume na ulit kami sa trail. Iba ang dinaanan namin patungong Espadang Bato at medyo masukal ang part na ito. Medyo nagwoworry na din ako para kina Edlen at Ella dahil di ko alam kung sumabay ba sila sa mga sweeper team ni Ms. Lea, nag-aalala din ako na baka dumiretso sila pabalik sa paveroad at baka maligaw sila. Eto ang mga bagay na gumugulo sa akin habang nasa trail kaya talagang hindi ako mapakali.
Nasa unahang team ang grupo nina Ken at panatag naman ako na nakakasabay sila sa team nila. Nang makarating kami sa kubo bago ang assault part ni Espadang Bato, sinabihan ko na yung kasama naming guide na i-radyo yung sweeper team kung kasama nila yung magkapatid. Sadyang mahina ang frequency kaya hindi magkarinigan kaya nag-aalala na din ako. Nag-take five muna kami at nag-abang ng balita. Maya-maya pa ay sinabi sa akin ng guide na kasama daw ng sweeper team yung magkapatid kaya gumaan na ang pakiramdam ko ng oras na yun at inaya ko na sila na mag-resume na sa trekk.
Naging assault trail paakyat sa Espadang Bato at naging mabato na din dito. Mayroon ding bamboo forest dito hanggang sa peak ni Espadang Bato. Matatalas na ang mga bato dito at talagang mapapakapit ka talaga sa mga ito. Pagkarating sa Espadang Bato, nagpicture na ang iba sa kanila habang ako, iniisip ko pa din yung magkapatid. Maya-maya pa ay dumating na sila at naging panatag na ako. Nag-group pic na din kami doon.
Nagresume na kami sa trekk patungong Sipit Ulang at this time, nagsweep na ako sa group namin at sinamahan ko na yung mgkapatid. Short cut ang dinaanan namin patungong Sipit Ulang at napakahabang lakaran ang pinagdaanan namin. Dito naganap ang hindi inaasahang pangyayari sa aking buhay pamumundok. Dahil pababa ang trail, nasa ugali ko ang naghahanap ng alternatibong daan para makausad lang sa trail. Humawak ako sa isang sanga na para maging kaagapay ko sa pagbaba nang bigla itong napigtas dahilan para mawalan ako ng balanse at dumiretso paibaba. Dahil pababa ang daan, nagdiret-diretso ako at di ko na talaga nakontrol ag sarili ko, nasalo ako ng kasamang guide namin pero hindi iyon para huminto ako sa pagbulusok pababa. Nakailang bulusok kami pababa hanggang may makakapal na kawayan na ang kinapitan ko para hindi na kami magtuloy tuloy pa sa pagbagsak paibaba. Ramdam ko ang pagkabigla at pag-alala ng mga kasama ko sa nangyari at talagang nagulat talaga ako at napatawa (pero deep inside, sobrang kinabahan ako at nagworry din sa naging nangyari). Humingi ako ng tawad sa mga kasama ko at lalo na sa kasama naming guide na sumalo sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon sa tanang ng buhay ko at sa buhay pamumundok ko.
Inabot na kami ng tindi ng sikat ng araw sa trail na lalong nagparamdam sa amin ng pagod. Habang patuloy kami sa paglalakad, napansin ko na parang nadaanan ko na yung dinadaanan namin na trail, nakonpirma ko lamang ito nang nakarating na kami sa main road kung saan kami dumaan galing jump-off. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may junction patungong Sipit Ulang. Nagutom na sina Edlen at Ella kaya inaya na nila yung isa pa naming guide na samahan sila pababa ng jump-off para kumain ng tanghalian. Hindi ko na sila sinamahan at nagpatuloy na kami ni Rose patungong Sipit Ulang dahil 30 minutes na lang daw ang patungo sa pangatlong bundok / peak.
Madali na lang ang trail patungong Sipit Ulang, may makikita ka din na mga maliliit na kweba at mga paulingan sa trail. Ilang minuto din at narating na naming peak ng Sipit Ulang. Nagpahinga na muna kami sa pahingahan na gawa sa kawayan kung saan may magandang view kang masisilayan. Makikita mo dito ang Pamitinan, Binacayan at Hapunang Banoi. Dito na din kami kumain ng aming pananghalian. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na din sina Edlen at Ella at nagulat ako dahil inakala ko na hindi na sila tutuloy dito. Nagpapicture na din ako sa rock formation ng Sipit Ulang pero di ko na tinangka yung sa pinakatuktok dahil sa tarik ng aakyatin.
Maya-maya pa ay nagsimula na kaming mag-descent pabalik ng jump-off. Maaga din kami natapos kaya naging mahaba haba ang pahinga namin pagbalik sa baranggay kung saan nagawa pa ng iba sa amin na mag-videoke at syempre mag-boodle fight!

Bamboo Forest
Group Pic sa Espadang Bato
The Fantastic Five! Ang mga dakila naming guides

Ayaas (L) at Espadang Bato (R)

Selfie na lang ako kay Sipit Ulang Rock formation
Ako, Badet at Kenny
Si manong guide na sumalo sa akin kanina
Haponang Banoi, Pamitinan at Binacayan
Maya-maya pa ay nagsimula na kaming mag-descent pabalik ng jump-off. Maaga din kami natapos kaya naging mahaba haba ang pahinga namin pagbalik sa baranggay kung saan nagawa pa ng iba sa amin na mag-videoke at syempre mag-boodle fight!
February 11, 2018
8th hike
My 10th - 12th mountains
Mascap Trilogy
Mt. Ayaas (627+ masl)
Espadang Bato (455+ masl)
Mt. Sipit-Ulang (252+ masl)
Minor Hike
Comments
Post a Comment