14th Hike: Montalban Trilogy V2
Hiking Leaf # 14: Maulang Trilogy Version Two
June 8 - 10 pm dumiretso na ako ng Greenfield sa Shaw dahil doon nga ang proposed meet-up para sa event hike ng Adventure Philippines. Wala pa si Ken (Nag-invite sa akin) kaya kinita ko muna yung kaibigan ko na nakasama ko sa Banahaw which nasa lugar din iyon. 11 pm nang dumating si Ken at almost 1 am na din ng umalis na kami patungong Wawa.
June 9 - Around 2:40 am ng makarating na kami sa jump-off ng Wawa. Maulan ang panahon kaya bumili na din kami ng Poncho or kapote para iwas mabasa na din ang mga gamit namin, even though drybag ang gamit ko. 4:00 am nagstart na kami mag trek. Mount Susong Dalaga ang una bundok na aakyatin namin, ang pinakamababa sa tatlong bundok ng V2. Forested trail at may mga part na pa-assault na din pero kayang kaya pa naman. Inabot na din kami ng liwanag sa daan, pero dahil maulan nga, makulimlim lang ang panahon.
Paahon ang trail patungo sa summit ng Susong Dalaga at medyo ridge ang trail. Around 6:00 am nang marating na namin ang summit. 360° view sa itaas at masasabi kong parang burol lamang ang Susong Dalaga. Nag-group picture na din kami bago magpatuloy sa trail.
Dahil sa maulan pa din ng mga oras na iyon,
sobrang naging maputik at madulas ang daan. Naging mabagal na din ang galaw ng grupo dahil iniiwasan namin ang madulas which baka magdulot pa ng injury ng isa sa amin. May mga nakakasalubong pa kaming mga nagttrail run kahit sa ganoong panahon.
Matataas at makakapal na talahib at maputik na daan ang unang part ng trail paakyat ng Lagyo. Malalaki at matutulis na bato naman ang sunod na kakaharapin mo paakyat sa summit. Importante ang paggamit ng gloves sa mga ganitong trail para iwas sugat sa pagkapit at paghawak sa mga batong ito.
Bago maakyat ang summit, may madaraanan na silong na mistulang kweba na din, kung saan pwedeng magpahinga ang grupo or kumain na din. Dito nagpalipas muna kami bago umakyat sa summit. 7:40 am ng marating na namin ang summit ng Lagyo. Madulas ang mga bato, dulot na din ng ulan. Matarik at limitado lamang ang galaw namin sa summit ng Lagyo kaya di din nagtagal ay nag group picture na kami. Malamig at malakas ang hangin sa itaas kaya agad na kaming bumaba.
Ayon sa aming guide, banayad at madali lang daw ang trail patungo sa huling bundok, ang Parawagan. Hindi nga nagkamali ang aming guidr dahil banayad nga lang ang trail, kapag maaraw ang panahon. Sobrang maputik ang dinaanan namin. Malalim na ang putik na dinadaanan namin kaya ginawan na kami ng tungkod na kawayan ng aming mga guide para hindi kami mahirapan. Sobrang nahirapan ako sa trail na ito, dahil na nga rin sa naka-sandals lang ako. Ako na din ang nasa hulihan pero hinihintay pa din ako ni Ken at ng isang guide para hindi mawala sa grupo. Ilang oras din ang nilakaran namin at nawala na ang maputik na daan. May mga kabahayan na din sa palagid.
Narating na din namin ang tindahan sa may junction, kung saan makikita na din ang uphill paakyat ng Parawagan pero nagpasya na kaming tumuloy ni Ken sa trail. 11:40 am nang marating na namin ang summit ng Parawagan. Walang clearing sa summit dahil na din sa maulang panahon. Dito na din namin kinain ang mga baon naming pagkain at nagpahinga. After group picture, nagpasya na ang grupo na magdescent.
2:45 pm nang makabalik na kami sa Jump-off. Naligo at kumain na kami ni Ken ng pansit canton at kaunting kwentuhan na din. Masaya ang lahat dahil maagang natapos ang hike at maliwanag pa ng makabalik kami ng Greenfield. Sulit at masaya ang naging event! Montalban Trilogy Version 2, UNLOCKED!
Actual Itinerary:
12:00 AM Meetup Greenfield Mcdo
1:30 AM ATD going to Wawa
2:40 AM ATA Wawa - Jumpoff
4:00 AM Start of trek
6:00 AM Summit of Mt. Susong Dalaga
6:20 AM Resume trek
7:40 AM Summit of Mt. Lagyo
8:00 AM Resume trek
10:00 AM Sari-Sari store; Junction
11:40 AM Summit of Mt. Parawagan - Lunch
12:30 PM Start descent
2:45 PM ATA Wawa - Jumpoff
3:30 PM ATD going back to Greenfield
4:40 PM ATA Greenfield
JUNE 9, 2018
14th Hike
23rd - 25th mountains
Montalban Trilogy Version Two
Mt. Susong Dalaga (325+ masl)
Mt. Lagyo (396+ masl)
Mt. Parawagan (480+ masl)
Some pictures courtesy to: AdventurePhilippines, Ms. Ann Roquero
Comments
Post a Comment