13th Hike: Mount Arayat - South Peak

Hiking Leaf # 13: Arayat Southpeak Dayhike


Hindi pa din nawawala ang hangover nang overnight hike ko sa BDT kaya naghanap ulit ako nang maakyat bago man lang matapos ang buwan ng Mayo. Sakto at nagaaya din si JP ng ahon. May nahanap kaming nagpapaevent sa Mount Arayat kaya nagpasya kami na dun na lang sumama. Pagdating sa araw ng hike, marami na ding nag-backout sa event nang Arayat, nakakalungkot din ito para sa organizer na nagset nang ganitong event pero in the end, nagbabackout ang mga participants. Nakakamangha dahil ipinagpatuloy pa din ng organizer ang event kahit tatlo na lang kaming naiwan sa group. 

 4:00 am nang makarating na kami ni JP sa Cubao para hintayin yung isang kasamahan namin. 4:30 am bumyahe na kami papuntang Dau nang makumpleto na kami. 6:00 am nang makarating na kami sa Dau Terminal kung naghihintay na sa amin si Dennis (Organizer) at kaagad sumakay na kami sa kanyang kotse, deretso na sa jumpoff ng Arayat. Lima lang kami sa grupo kasama ang kaibigan ni Dennis.

 7:20 am nang makarating na kami sa Jumpoff. Nagsecure ng guide, nagparegister at kaunting orientation sa amin. Dahil late na din kami nagstart, which is dapat usual na madaling araw ang start, nagpasya na lang kami na South peak na lamang ang aming aakyatin. 7:40 nagstart na kami sa trek. Tirik na ang araw kaya ramdam na ramdam namin ang init sa pag ahon. May mga pagkakataon din na tumitigil kami para makapagpahinga. Naiinom ko na din ang baon kong tubig dahil nga sa init. 


 After ng halos kalahating oras na paglalakad, magsstart pa lang ang Unli-assault trail ng Arayat. Mabuti na lamang at magubat ang area na ito kaya hindi gaanong mahirap ang pag-ahon. May mga nakakasalubong na din kaming ibang hikers. Eksakto 9:00 am nang marating namin ang viewdeck kung saan tanaw mo na ang malawak na view. Dito na din muna kami nagpahinga. Naabutan din namin dito na nagpapahinga ang isang grupo kung saan parang pamilya sila na magkakasama. Ang mas nakakagulat pa dito, bukod sa mga may mga bata silang kasama, may kasama sila na lola na 70-years old na ang edad. Napag-alaman namin na panata nila ang pag-akyat sa Arayat kaya ginagawa nila bilang isang pamilya. Malakas pa sila si lola dahil hindi biro ang assault trail ng Arayat. Hindi nagtagal ay nagresume na kami sa trail. 



 10:30 am nang maabot na namin ang South peak summit ng Arayat. Walang view sa summit kaya may isang daan kung saan makikita mo ang pamosong pwesto sa Arayat. Nagpicture taking na ang grupo and then nagpahinga. May nakakwetuhan din kaming hikers sa summit kung saan nagoffer pa sila ng kanilang sobrang pagkain. 11:00 am nang magstart na kami bumalik sa Jumpoff. Dahil mabilis lang ang pacing pababa at tuloy tuloy lang, isang oras lang ang nabalik na kami sa Jumpoff. Dahil sobrang init sa trail, nakarami kami ng softdrinks nina JP para lang makapag refresh. Wala kaming nakitang paliguan sa jumpoff kaya nagside trip muna kami sa Hotspring di kalayuan para makapagbanlaw at ligo na din. 


 Gabi na din nang makabalik kami ng Manila. Nangako kami ni JP na babalikan si Arayat at mismong ang Pamosong QuadPeak na ang aming susubukan kapag binalikan namin ito.

ACTUAL ITINERARY:
4:00 AM        Meetup with JP & Leona @ cubao
4:30 AM        ATD going to Dau
6:00 AM        ATA Dau Terminal, pickup by Dennis
7:20 AM        ATA Jumpoff Mt. Arayat, register
7:40 AM        Start of Trekk
8:10 AM        Start of Assault Trail
9:00 AM        Viewdeck, rest
10:30 AM      South Peak summit, lunch & rest
11:00 AM      Start descent
12:00 PM      Jumpoff, rest, chitchat
1:00 PM        ATD going to Hotspring
3:00 PM        ATD going to Dau, dine @ Inasal
5:00 PM        ATD going back to Manila
7:00 PM        ATA manila

May 24, 2018
13th hike (my 6th major)
My 22nd mountain
Mt. Arayat - South Peak (1,026+ masl)
Major Hike

Comments

Popular posts from this blog

14th Hike: Montalban Trilogy V2

4th Hike: Mount Talamitam

2nd Hike: Taal Volcano