6th Hike: Mount Tapulao
Hiking Leaf # 6: Last climb for 2017 - Tapulao
November 26, 2017 - At last, major hike na ulit aakyatin ko after ng Makiling hike ko last August. Sobrang excited ako kasi alam kong mas mataas sya sa Makiling (1,090+ masl) kung saan nasa 2,037+ masl ang taas nya. Excited din ako dahil makakasama ko sa hike yung isang tropa ko, si Harold.
Bumiyahe na kami pa Zambales around 10:00 pm and nag-stop over kami sa SM Pampanga para hintayin sina Harold at yung isang katrabaho nya. 4:00 am ng makarating kami sa Jump-off, nagparegister kami then nag-start na din kami. Tatlo ang kinuhang guide ni momshie dahil nasa patakaran daw talaga iyon.
Start pa lamang ng trail, assault kaagad ang bubungad sayo. Madilim kaya wala pa talagang makitang view pero alam ko na malawak na mabatong daan yung tinatahak namin. Unli-bato yung dinadaanan namin, naghahanap ako ng malupang daan. Ayon sa nabasa ko, dati daw minahan ang lugar ng Tapulao. Kaya siguro ganito yung daanan dito, sobrang mabato.
Around 5:00 am ng makarating na kami sa tindahan, nagliliwanag na kaya nakikita ko na yung view. Dito nagpahinga muna kami para kumain na din at yung iba sa amin, nagkape. May ibang grupo din kami na nakasabay sa pagkain. After ng ilang minuto, balik trekking na ulit. Mabato pa rin yung dinadaanan namin. Malamig ang panahon pero dahil sa pagod na din, halos panay inom ako sa dala kong tubig. Nadaanan namin yung unang water source pero wala namang tubig that time.
Ako, Jon, at Harold
Assault pa din ang trail na dinadaanan namin with matching mabato, medyo nakakaumay na din pero wala akong karapatang mag-inarte, eto talaga yung hanap ko, adventure! Pagdating sa 2nd water source sa Km 10, dun na ako nagsalok ng maiinom dahil naubos ko na din yung dala kong tubig. Napakalamig ng tubig, first time kong uminom ng tubig na galing talaga sa bundok at lasang malinis talaga!
Pagdating ng Km 12 napakaganda na ng view, pine trees, yung mga karatig bundok at yung fog di kalayuan! Wow! Talagang nakakagaan ng pakiramdam ang makakita ng ganitong tanawin. Talagang na-enjoy ko sya at nagsimula na akong kumuha ng mga litrato. May portion din dito kung saan naging madulas yung daan at dito ko naranasan sa unang pagkakataon yung madulas ako sa trail at halos hindi na makatayo. Dito na din nasira yung sandals na ginamit ko sa mga naging previous climbs ko. Nag-paa na ako simula dito at nagkulay putik (dilaw) na ang ibabang parte ng katawan ko. Mabuti na nga lang at may dalang tsinelas si Harold at pinahiram nya muna sa akin para may magamit ako pero di ko muna sya ginamit.
Rest In Peace - My first footwear sa aking Hiking Life
Groupie with our Lodi Guide! Kita dyan na naka-tsinelas na ako :D
Stolen shot sa kanila!
Wow! View!
Naging mabato ulit ang daan at sadyang masakit na talaga sa paa ang mga batong tinatapakan ko. Dito ko na sinimulang gamitin yung tsinelas ng kaibigan ko. May pagkakataong natatanggal sa strap yung tsinelas kaya sobrang nahihirapan na talaga ako. Muli kong inayos yung sandals ko gamit ang dalang tape ng kaibigan ni Harold. (Muli ko syang nagamit hanggang sa summit ni Tapulao)
Dahil sa di matatawarang view ng dinadaanan namin, may mga oras na tumatagal kami sa pagpapahinga para lang makapag-papicture. Masaya ang bawat isa kahit na talagang mahirap ang trail dahil sa mga nakakaumay na bato.
Dapa Shot!
At last, nakarating na kami sa Km 16 which is nasa Camp 2 na kami! Yahoo! Dito kami nagpahinga at nag-take na din Lunch. Maaliwalas ang view dito at makikita sa gilid yung bangin. Dito na din kami nag-celebrate ng birthday ni Kuya Mher (pioneer member ng grupo) with matching palobo! After ng kainan, nagpasyang magpaiwan yung dalawang guides namin at yung isang guide na lang ang sasama sa amin sa summit. Iniwan na din nila yung mga dala nilang bag. (Naka-dry bag lang naman ako) Tumungo na kami papuntang mossy forest then nagpahinga. Masukal ang daan sa Mossy Forest at may mga part na assault dito kaya talagang matetest ang mga tuhod mo dito. May mga nakakasalubong na din kami na ibang grupo.
Twilight scene lang ang eksena!
Happy Birthda Kuya Wilmher!
Groupie muna bago pumasok sa Mossy Forest
Selfie muna bago pumasok
After mossy forest, at last, summit na ng Tapulao! Ang pamosong Batong marka ng Km 18 ang makikita sa summit. Wala akong nakitang view dahil na rin sa kapal at nagtataasang mga halaman sa summit. Nagpahinga din muna kami sa peak at nagsimula ng magpicture ang iba sa amin. Makikita din dito yung tinatawag nilang "World Tree", syempre prohibited ang pag-akyat at pagtungtong sa puno kaya di na kami nagtangka. Dito na din namin kinain yung dalang cake ni Momshie which is dala-dala ni Kuya lead guide mula jump-off hanggang sa summit. Walang sira yung cake, talagang nakaka-amazed! Lodi ka Kuya guide! After magpapicture ay nag-simula na kaming magdescent papuntang camp 2 para makuha na yung mga gamit.
Simplehan lang natin ang pose
with our beloved-harkor momshie
Group Shot sa Km 18
5:00 pm ng makabalik ang team namin (Ako, Jaymark, Ate Jin, K, Harold at Jon) sa tindahan. Nagpahinga muna kami at kinain na namin yung mga natitirang jelly ace para makapag-energized. Hinantay na din namin yung ibang kasama namin at ng makumpleto na kami, nag-start na ulit kami mag-descent.
Selfie muna ulit sa Amazing view!
Inabot na kami ng dilim sa trail, nagkahiwa-hiwalay na din kami and sina Asky, Kuya Mher, Frank and ako ang naging magka-team. After sa tindahan, pinaalalahanan na kami ng dalawang sweeper guides na kasama namin na wag na kami magpapa-abot ng dilim sa Km 5 dahil humahaba daw ang trail. Medyo creepy lang nung narinig namin yun and hindi nga sila nagkamali.
Same pacing pa din kami sa trail pero pansin namin na parang walang katapusan ang nilalakaran namin, nakaka-ilang liko na kami pababa pero parang paulit-ulit lang ang dinadaanan namin. Mukhang totoo nga yung binanggit sa amin ng mga guides. Patuloy lang kami sa paglakad hanggang sa naabutan na kami ng mga sweeper guides namin. After ilang minuto sa kadiliman, ay naaninag na namin ang flashlight ng naunang team sa Km 2. Dito na din lumala yung injury ni Asky dahil dalawang hita na nya ang pinulikat. Lumala na din yung sprain ni Frank kaya nagsimula na kaming bumagal sa trail pababa. Hindi tumalab ang piggy back style ni Kuya Mher pati ang pag-akay kay Asky kaya nagpasya na din kami na magpasundo na lang sa van. Nakabalik kami sa Jump-off ng 8:00 pm at nagpahinga na din bago mag-wash up.
Sobrang challenging ang trail ni Tapulao dahil halos 80% ng trail nya ay rocky talaga, dagdag pa ang walang katapusang assault nya. Pero kahit ganun ang naranasan ko, fulfillment para sa akin ang matapos ang 36 kms na trail ng Tapulao! Major feat talaga ito para sa akin at kahit hirap ako sa paglalakad ay worth it naman ito para sa akin and syempre sa experience na naransan ko sa hike na ito!
November 27, 2017
6th hike (my 2nd major)
8th mountain
Mt. Tapulao (2,037+ masl)
Highest in Zambales province
Major Hike
Notes: Tapulao is part of the superb-trilogy "Dasemulao" which consists of Mt. Damas, Mt
Sem-ilya, and Mt. Tapulao itself
Comments
Post a Comment