15th Hike: Mount Irid

Hiking Leaf # 15: Highest Peak of Rizal


 Dahil sa nalalapit kong kaarawan nitong November, nagpasya akong maghanap event na pwedeng maakyat bilang maging birthday hike ko na din gaya ng ginawa ko last year which is sa Mt. Batulao ako umakyat. Sumama ako sa event ni Kaka ng Buhay Bundok at inaya ko na din si JP na aking hiking buddy at si Ms. Angie na katrabaho ko dati sa Walter. Pareho kaming excited dahil bukod sa major climb ito, ang Irid ang pinaka mataas na bundok sa probinsya ng Rizal. Ito na din ang first major hike ni Ms. Angie kaya special ang climb na ito. Medyo kabado at nag-aalangan din ako sa kondisyon ng katawan ko, dahil bukod sa ilanh buwang walang akyat (which is last June pa ang akyat ko), back-office na ang naging work ko kung saan halos nakaupo lang ako buong araw.

 November 10 - Meetup sa KIA cubao. Sumakay na kami ng UV Van patungong Cogeo, Antipolo kung saan magtatransfer kami sa Monster Jeep which is diretso na hanggang sa jumpoff sa Sta. Ines, Tanay. Topload ang naging puwesto ko sa Jeep and super nakaka-excite. Dahil first time ko, todo kapit ako sa hawakan at nanatili akong gising buong byahe. 

 November 11 - 1:13 am ng madaling araw ng makarating na kami sa Brgy Hall ng Sta. Ines. Nagpa-register muna kami then kumain na din ng agahan sa kalapit na tindahan, then huddle ng buong grupo at nag-ayos nang formation. Required ang pagtatanim kapag umaakyat ng Mount Irid kaya nagdala kami ng punla bawat isa para itanim sa bundok. 2:30 am nang magsimula na kami magtrekk. 

 Ayon sa aming guide, mayroong 11 na ilog kaming tatawirin along the trail bago makarating ng Sitio Sadlak at dahil hindi naman daw naulan noong mga nakaraang araw, safe daw ang pagtawid sa mga ilog. Around 3:15 am nang marating na namin ang planting area right after ng pang-pitong ilog na nadaanan namin. Dito na namin napansin ang presensya ng mga limatik at isa nga ako sa mga nabiktima nito. 

 4:30 am nang marating na namin ang Sitio Kinubuan. Dito rin makikita ang pamosong Kinubuan Falls kung saan sikat itong side trip kapag umakyat ng Irid. May mga militar na naka-station dito dahil kung pag-aaralan mo ang mga nagdaang balita or kwento sa Irid, may mga presenysa din ng mga NPA noon sa bundok na nagiging dahilan kung bakit isinasara ang bundok sa publiko. 

 Right after ng Sitio Kinubuan matatawiran na ang last river. Dito, ayon na sa guide, ma-assault na ang daan paahon sa huling Sitio, ang Sitio Sadlak. Halos forested ang trail paakyat ng Sitio Sadlak. Dito nararamdaman ko na din ang pagbagal ng pacing ko, kung saan nauunahan na ako ng mga kasama ko. Lumiliwanag na din kaya nakikita ko na ang mga nasa paligid ko. Open trail na ang daan onced na makadaan ka sa sa assault trail at naging maputik na din dito na lalong nagpabagal pa sa akin. 



 5:45 am ng marating na namin ang Sitio Sadlak, ang huling community sa paanan ng Irid, although mataas na din ang elevation sa kinalalagyan namin. Nagpahinga na din ang ilan sa amin at dahil sinabahan din kami ng Guide na dito na magsisimula ang unli assault trail ni Irid. 6 am ng magresume na kami sa trekk. Hindi nga nagkamali ang Guide. Gradual assault na ang nadadaanan namin, dagdag pa ang madulas at makapal na putik sa trail which sobrang nagpapahirap sa akin. Papasok ng forested area ng Irid, dito nagsimula ang Unli Assault. Dito na din nagsimula ang kalbaryo ko. 

 Dulot na din ng ilang buwan sa pagiging hindi aktibo, sobrang nahirapan ako rito. Dito na ako nakaramdam ng sobrang hingal kung saan ilang distansya lang ang itinatagal ko sa paglalakad at nagpapahinga na ako. Ilang kasamahan ko na din ang pinauna ko although nagkikita din naman kami kapag nag tatake5 din sila, kaso nga lang, paalis na sila kapag naabutan ko sila. Around 8 am nang marating na namin ang Rock 1, dito nagpahinga na muna kami nina JP at Ms. Angie at ilang kasamahan sa grupo. May kasama din kaming dalawang guide sa grupo kung saan yung mga nasa lead group ay halos kabisado naman ang trail. Ilang sandali pa ay nagpatuloy na kami. Halos hirap na hirap na ako sa pag-akyat at kaunti na lang ay titigil na ako. Pero dahil na din sa dedikasyon ko at eagerness ko na tapusin at syempre, ayoko na din balikan ang Irid kung sakali, nagpatuloy pa din ako sa pag-usad. 

 May mga nakakasalubong na kami galing sa ibang group kung saan malapit lapit na daw. Natatanaw ko na ang Irid kaya dito lalong nagboost ang adrenaline ko at lalong nagpatuloy pa. Dito ko na naabutan sina JP at Ms. Angie at nag-advanced na ako sa kanila. Assault pa din ang trail at may mga pagkakataon na technical ang pag-akyat dahil need mong kumapit sa mga matitibay na ugat para lang makausad. 


 Around 10 am nang marating ko na ang mini campsite kung saan inakala kong summit na ito dahil may mga kasamahan akong nagpapahinga na dito. Hindi na ako tumigil at nagpatuloy na ako patungong summit at sakto 10:15 am, naabot ko na din ang summit ng Irid. Sa sobrang pagod ko ay binagsak ko na lang ang sarili ko sa isang damuhan at hindi ko na inalintana kung may limatik sa paligid. Hindi ko na din namalayan na nakatulog na pala ako at ginising na lang ako ni JP. Dahil sa sobrang pagod at naramdaman ko na din ang sakit sa katawan, hindi ako kaagad nakasama sa mga group picture nina JP, Ms. Angie at kasama ang new friend na si Michael. Ilang saglit din ay tumungo na din ako sa rock formations at nagpicture na kaming grupo. Dito ko na din nasilayan ang ganda ng tanawin. Medyo maulap ng mga oras na iyon pero naappreciate ko pa din ang ganda ng view. 




 12 pm nang magstart na kami magdescent. Syempre dahil descent na, magiging mas mabilis na lang ito. At hindi nga ako nagkamali dahil 1:15 pm nang makabalik na kami sa Sitio Sadlak. Dito na kami kumain ng lunch, kung saan may tindahan dito at nagpaluto kami ng Pancit canton. After ng lunch, nagpatuloy na kami pabalik sa Jumpoff. Nagpahinga kami sa Sitio Kinubuan at dumaan sa Kinubuan Falls, pero di na kami naligo sa falls at pinili na lang namin magpatuloy. 7 pm nang makabalik na kami sa Brgy Hall ng Sta. Ines. 


 Kahit na sobrang nahirapan ako sa pag-akyat ng Irid, sobrang nag-enjoy naman ako at natest ang sarili ko sa mga ganoong sitwasyon. Sa lahat ng naging climb ko ay dito talaga ako nakaramdam ng pagkapagod at nagmistula akong baguhan kung saan hindi ko naranasan nung nagstart akong umakyat wayback noong Makiling days. Malaking aral na din na dapat pinaghahandaan ng mabuti ang mga bundok na aakyatin para hindi ka mahirapan along the trail. Ang mahalaga natapos namin at makakauwi kami ng walang aberya or injury, and syempre, unlocked na ang highest peak ng Rizal!

ACTUAL ITINERARY:
12:00 AM      Cogeo Petron - transfer to Jeep
1:15 AM        ATA Sta. Ines Brgy Hall, registration
2:30 AM        Start of trekk
2:35 AM        First river crossing
3:50 AM        Planting area, 7th river
4:30 AM        Sitio Kinubuan
4:50 AM        Last river crossin; kubo
5:45 AM        Sitio Sadlak (659+ masl)
10:15 AM      Summit, nakakaiyak
12:00 PM      Start descent
1:00 PM        Kubo near water source, rest
1:15 PM        Sitio Sadlak, lunch
3:00 PM        Resume
4:00 PM        Sitio Kinubuan, Falls
7:00 PM        Sta. Ines Brgy. Hall, wash
8:00 PM        ATD going back to Cogeo
9:00 PM        ATA cogeo

November 12, 2018
15th hike (my 7th major)
My 26th mountain
Mt. Irid (1,467+ masl) highest in Rizal province

Notes: Irid is a part of Sta. Ines Trilogy which consists of Mt. Tukdunang Banoi, Mt. Parukpok and Irid itself.

Comments

Popular posts from this blog

14th Hike: Montalban Trilogy V2

4th Hike: Mount Talamitam

2nd Hike: Taal Volcano