12th Hike: Mount Banahaw de Tayabas

Hiking Leaf # 12: First Overnight hike


 May 5 - Hindi natuloy ang plano namin ni Doc Sheng na umakyat sa Mount Halcon kaya nagpasya na lang kaming tumuloy sa isang event kung saan inimbitahan sya. Excited din ako dahil bukod sa first overnight ko ito, ang holy mountain na Banahaw ang aming aakyatin (Tayabas side). 11pm ang napagplanuhang meetup namin ni Doc Sheng sa Terminal ng Bus pa-Quezon sa may Gil Puyat. 12:15 am nang bumyahe na ang bus pa Quezon. 

 May 6 - Habang nasa byahe ay nakatulog na ako pero maya't maya din ang gising ko dahil sa hindi din namin kabisado ang lugar. Around 3:15 am ng makarating na kami sa Lucena Diversion at tumungo sa Jollibee kung saan doon ang napagkasunduang meetup. May mga nakita na akong hiker sa loob pero di din kami sure kung kasamahan namin sila. Bumili na din ako ng packed lunch ko habang naghihintay. 4 am ng halos dumami na ang grupo sa loob at napag-alaman namin na kasama nga namin sila. Namukhaan ko pa ang isa sa kanila na si Rocky na seller ng drybag na binili ko noon, at isang organizer din. Mineet na din kami ni Maidee, ang organizer ng group, at sinabi na paparating na ang jeep na sasakyan namin.



 Around 4:42 am nang sumakay na kami ng jeep then dumaan muna sa palengke para mamili ng ilang kakailanganin sa hike. 5:20 am ng marating na namin ang jumpoff at nagparegister. Kaunting orientation about sa bundok, mga principles na dapat sundin. Exact 6 am nang nagstart na kami mag trek. Community area ang unang part ng trail, kahit na papasok na kami sa forested area ay may mga kabahayan pa din. Banayad lang ang trail at meenjoy mo ang mga huni ng mga ibon. 




 7 am nang marating na namin ang Camp 1. Nagpahinga din ang grupo at dahil nagsimula na ding umulan, nagpatila na kami. Dito na din kami nagayos ng mga dalahin namin ni Doc Sheng. Around 8 am at hindi pa din natigil ang ulan, nagpasya na din si Maidee na tumuloy kesa tumagal pa. Kinuha na namin ang mga itatanim namin puno sa isang nursery at dumiretso sa isang malawak na area kung saan namin itatanim ang mga punlang ito. Required ang pagtatanim kapag aakyat ka ng Banahaw at kailangan ng permit from DENR para maakyat ito. After magtanim sa ilalim ng ulan, nagpatuloy na kami sa trail. 9:45 am nang marating namin ang sinasabi ng mga guide na 'pinagmanahan' kung saan may makikita ngang malalim na hukay sa paligid. Dito na din kami bahagyang nagpahinga at nag-regroup. Mula camp 1, masukal na ang trail at may mga part na ligaw kaya need mo ding hindi malayo sa grupo. Up and down ang daan kaya masusubok din ang pasensya mo. 



 May ilang stream din na madadaanan at matatas na part kung saan kakailanganin ng effort para makadaan. Approaching sa Camp 2, dito na nagsisimula ang challenging part ng trail, kung saan kakailanganin mong bumaba or dumaan sa mababang bangin. 90° ang part na ito at may lubid naman na magagamit. Pagkadaan dito, may assault part din para makaakyat ng camp 2 dahil mataas na lugar nga ito. Around 12:30 pm nang marating na namin ni Doc Sheng ang Camp 2 at nag setup na kami ng aming tent katulong ang mga kasamahan namin. Dahil sa pagod, nagpahinga muna kami ni Doc. 


 7:40 pm ginising na kami para makipag-socials. First time ko ding makaranas nang ganito at sadyang napakasaya nga. Dito din ako unang nakatikim ng lambanog. Masarap naman sya at tamang tama dahil magiging napakalamig. May nilutong Sinigang sina Mark na kasamahan at napakasarap nito. Masaya ang naging kwentuhan nang lahat. 9:00 pm nang nagsibalikan na kami sa aming mga tent para makatulog.

 4:00 am pa lang nagising na ako at sadyang napakalamig. Nagsaing at nagluto na ako ng agahan namin ni Doc Sheng (corned beef). Maya maya ay nagising na din sya at kumain. Nagayos na din kami para sa pagakyat namin sa summit. 6:30 am nang magstart na kami at kami ni Doc ang nag-lead. May stream ulit na madadaanan patungong at pagkatapos nun ay pure assault na. Dahil sa pagkabigla at sa pacing ni Doc Sheng, sobrang hiningal dahilan para paunahin ang ibang kasama namin. 




 Mahaba ang trail paakyat ng summit at pure-assault talaga. Hanggang sa nahuli na ako sa aming grupo. May mga oras din naman na naabutan ko sila. Sobrang masukal ang daan pa summit, may mga tumbang kahoy along the trail na need mong lusutan. Maraming ding rattan kaya ingat ingat sa pagkapit. 


 8:10 am nang marating ko na ang summit at ako talaga ang pinaka nahuli sa grupo. Walang clearing sa itaas dahil sa kapal ng mga puno pero may maliit na puwesto kung saan matatanaw mo naman ang kalapit na peak (Banahaw de lucban). After mag-stay ng grupo ay nagpasya na kaming magdescent.

 11:45 am nang makabalik na kami ng Camp 2 at laging gulat namin dahil natiklop na ang tent namin ni Doc. May ilan sa amin, kasama na si Maidee, ang nagpaiwan sa campsite. Nakapagtiklop na din sila ng mga gamit nila at nagsimula na din kami bumalik sa jumpoff. 


 Around 2:00 pm nang makarating na kami sa bahay ng isang guide namin at inalukan nya kami ng niyog. Mga 4:00 pm na din, after makapagbihis, nang umalis na kami at dumaan muna sa bahay ni Maidee para kumain.

 Hindi talaga matatawaran ang ganda ng Banahaw. Sagrado ang bundok na ito para sa mga lokal na nakatira sa paanan nito at patuloy ang pagpprotekta nila rito. Parte na lang natin ang pagsunod at pagrespeto kapag tayo ay bibisita sa napakagandang bundok na ito.

ACTUAL ITINERARY:
Day One
11:00 PM    Meetup with Doc @ Gil Puyat-JAC
12:15 AM    ATD going to Lucena
3:15 AM      ATA Lucena Diversion - Jollibee
4:42 AM      Ride rented Jeepney
4:55 AM      Buy things at Palengke
5:20 AM      ATA Jumpoff
5:35 AM      Registration, Orientation
6:00 AM      Start of trekk
7:02 AM      ATA Camp 1, rest
8:00 AM      Resume trekk
8:20 AM      Open Area, plant trees
8:40 AM      resume trekk
9:45 AM      Pinagmanahan area, rest
10:15 AM    resume trekk
12:30 PM    ATA Camp 2, setup tent (1,400+ masl)
1:00 PM      rest
7:40 PM      socials
9:00 PM      lights-off

Day Two
4:00 AM      Prepares breakfast
6:30 AM      Start trekk going to summit
8:10 AM      Summit of Banahaw de Tayabas
8:40 AM      start descent
11:45 AM    Camp 2, packed up
12:00 PM    resume descent to jumpoff
2:00 PM      ATA Kuya Guide's house, Buko Juice, rest
2:30 PM      Jumpoff
4:00 PM      Ride jeepney going to Maidee's residence
6:00 PM      ATD going back to Manila
8:00 PM      ATA Manila

May 5 - 6, 2018
12th hike (my 5th major, 1st Overnight hike)
My 21st mountain
Mt. Banahaw de Tayabas (2,158+ masl)
Major hike

Notes: The summit itself of Banahaw de Tayabas is not connected to the crater or peak of the Mount Banahaw. Still, securing of permit to the Office of the DENR-PASU (Mt. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape) is a must. 

Comments

Popular posts from this blog

14th Hike: Montalban Trilogy V2

4th Hike: Mount Talamitam

2nd Hike: Taal Volcano