11th Hike: Mount Balagbag

Hiking Leaf # 11: Labor-day hike sa Balagbag

 Matagal ko nang pinaplanong akyatin ang Mount Balagbag, sa kadahilanang malapit lamang ito sa Metro Manila, kayang-kaya mag Do-It-Yourself hike at hindi gaano "pricey" ang pag-akyat dito. Ayon sa mga nabasa kong blog about sa Balagbag, sapat na ang 500 pesos na budget para dito. Dahil dito, nagset kami ng pinsan ko na akyatin ang bundok ito.
 Nagkita kami ng pinsan kong si Jonah sa Tungko then bumiyahe na kami patungong Licao-Licao via Jeep. Almost 1 hour din ang byahe patungong Licao-Licao. Marami na ding mga hikers pagkarating namin sa lugar na iyon. May terminal ng trike paakyat sa Brgy Outpost pero nagpasya na lang kami ng pinsan ko na lakarin patungo roon.


 Partially assault sa unang part ng daan, maalikabok at mabato din dito. Ilang metro din ay magiging forested na ang nasa paligid mo dahil mapuno na at kakaunti na lang ang kabahayan sa lugar na ito. 30 minutes din ang nilakad namin ng makarating na kami sa Brgy Outpost. Dito kailangang magpa-register at magbayad ng Environmental Fee na 10 pesos. Nagpahinga sandali then nagsimula na kami sa trail. Pangalawang beses na ni Jonah makaakyat sa Balagbag kaya sya na din ang naging guide, even though hindi mo kailangan ng guide para maakyat si Balagbag. Madali lang ang daan at walang ligaw ika nga. Purely assault ang daan dito, which is pwedeng maging training grounds ng mga nagsisimula pa lang sa pagiging hiker. Marami ding kabahayan sa paligid kaya di ka feel alone sa trail. Almost 30 minutes din ng marating namin ang gate registration (private property daw kasi ang madadaanan) at nagbayad kami ng 50 pesos, very pricey, pero ayon sa kanila, holiday daw kasi. 15 minutes nang makarating na kami sa tinatawag ng ilan na 7-eleven. Dito pwede ka bumili ng pagkain, softdrinks dahil may tindahan dito. Maraming tao pagkarating namin sa lugar na iyon kaya dito na muna kami nagpahinga at nagpicture picture. 

 Ilang sandali ay nagpatuloy na kami sa trail dahil ayon sa pinsan ko, malapit na daw ang summit. May mga nakakasabay kaming mga bikers at mga trail runners along the trail. Banayad lang ang trail although mabato na sa part na ito at open trail na sya. Wala pang 30 minutes ng marating na namin ang summit. Kaunti pa lang ang tao sa summit kaya nagpicture picture na kami. 360-degrees panoramic view ang maibibigay sayo ni Balagbag at matatanaw rito ang Fairview area, Ortigas Area ng Metro Manila, Bulubunduking ng Sierra Madre (Norzagaray Area) at Rodriguez, Rizal, maging ang Mount Arayat.

 Dito na din kami kumain ng pinsan ko habang kaunti pa lang ang tao. Dumaan din kami sa tatlong krus na sikat din sa mga nagpapapicture. Malawak ang area sa summit at kasyang kasya ang napakaraming grupo na mag oovernight sa summit. After ng isang oras ay nagpasya na kaming bumaba ng pinsan ko. 
 Sadyang madali ngang akyatin ang Mount Balagbag pero mararamdaman mo ding adventure feeling at hinahanap mo na living with the nature. Puwedeng puntahan ng barkada at kung magpasya kayong magovernight at wala kayong tent, may mahihiraman kayo sa Brgy Outpost. Sulit na sulit na training grounds at panoramic view ang maibibigay sayo ni Balagbag.

ACTUAL ITINERARY:
6:10 AM   ATD going to SM Fairview (from Fishermall)
7:00 AM   ATA SM Fairview, proceed to Tungko
7:20 AM   ATA Tungko, proceed to LicaoLicao
8:10 AM   ATA Licao Licao
8:40 AM   ATA Brgy Outpost, register 
9:05 AM   ATA Gate registeration
9:20 AM   View Deck, 7-11
9:45 AM   Summit, lunch
10:45 AM  Start descent
12:30 PM  Licao Licao

Notes: There is a registration office upon arrival to Licao-Licao but we don't know it at that time

Expenses:
Jeep (Tungko-LicaoLicao vv) - 30 pesos
Trike (LicaoLicao-BrgyOutpost) - Php 30/person
Environmental Fee - 10 pesos
Gate registration Fee - 50 pesos (Holiday rate)

May 1, 2018
11th hike
My 20th mountain
Mt. Balagbag (777+ masl)
Minor hike

Comments

Popular posts from this blog

14th Hike: Montalban Trilogy V2

4th Hike: Mount Talamitam

2nd Hike: Taal Volcano