Posts

13th Hike: Mount Arayat - South Peak

Image
Hiking Leaf # 13: Arayat Southpeak Dayhike Hindi pa din nawawala ang hangover nang overnight hike ko sa BDT kaya naghanap ulit ako nang maakyat bago man lang matapos ang buwan ng Mayo. Sakto at nagaaya din si JP ng ahon. May nahanap kaming nagpapaevent sa Mount Arayat kaya nagpasya kami na dun na lang sumama. Pagdating sa araw ng hike, marami na ding nag-backout sa event nang Arayat, nakakalungkot din ito para sa organizer na nagset nang ganitong event pero in the end, nagbabackout ang mga participants. Nakakamangha dahil ipinagpatuloy pa din ng organizer ang event kahit tatlo na lang kaming naiwan sa group.   4:00 am nang makarating na kami ni JP sa Cubao para hintayin yung isang kasamahan namin. 4:30 am bumyahe na kami papuntang Dau nang makumpleto na kami. 6:00 am nang makarating na kami sa Dau Terminal kung naghihintay na sa amin si Dennis (Organizer) at kaagad sumakay na kami sa kanyang kotse, deretso na sa jumpoff ng Arayat. Lima lang kami sa grupo kasama ang...

6th Hike: Mount Tapulao

Image
Hiking Leaf # 6: Last climb for 2017 - Tapulao November 26, 2017 - Finally, I will be embarking on another major hike after my Makiling hike last August. I am very excited because I know that this mountain is higher than Makiling (1,090+ masl), with its peak at 2,037+ masl. I am also excited because I will be hiking with one of my high school buddies, Harold. We travelled to Zambales around 10:00 pm and made a stopover at SM Pampanga to wait for Harold and one of his co-worker. By 4:00 am, we arrived at the jump-off point, registered, and then started our hike. Momshie hired three guides as it was a requirement. At the beginning of the trail, you are immediately faced with an assault. It was still dark, so there was no view yet, but I knew we were traversing a wide rocky path. The trail was filled with rocks, and I was looking for a smoother path. I read that Tapulao used to be a mining area, which might explain the rocky terrain we were navigating. Around 5:00 am, we reached...

12th Hike: Mount Banahaw de Tayabas

Image
Hiking Leaf # 12: First Overnight hike   May 5 -  Hindi natuloy ang plano namin ni Doc Sheng na umakyat sa Mount Halcon kaya nagpasya na lang kaming tumuloy sa isang event kung saan inimbitahan sya. Excited din ako dahil bukod sa first overnight ko ito, ang holy mountain na Banahaw ang aming aakyatin (Tayabas side). 11pm ang napagplanuhang meetup namin ni Doc Sheng sa Terminal ng Bus pa-Quezon sa may Gil Puyat. 12:15 am nang bumyahe na ang bus pa Quezon.    May 6 -  Habang nasa byahe ay nakatulog na ako pero maya't maya din ang gising ko dahil sa hindi din namin kabisado ang lugar. Around 3:15 am ng makarating na kami sa Lucena Diversion at tumungo sa Jollibee kung saan doon ang napagkasunduang meetup. May mga nakita na akong hiker sa loob pero di din kami sure kung kasamahan namin sila. Bumili na din ako ng packed lunch ko habang naghihintay. 4 am ng halos dumami na ang grupo sa loob at napag-alaman namin na kasama nga namin sila. Namukhaan ko pa an...

15th Hike: Mount Irid

Image
Hiking Leaf # 15: Highest Peak of Rizal  Dahil sa nalalapit kong kaarawan nitong November, nagpasya akong maghanap event na pwedeng maakyat bilang maging birthday hike ko na din gaya ng ginawa ko last year which is sa Mt. Batulao ako umakyat. Sumama ako sa event ni Kaka ng Buhay Bundok at inaya ko na din si JP na aking hiking buddy at si Ms. Angie na katrabaho ko dati sa Walter. Pareho kaming excited dahil bukod sa major climb ito, ang Irid ang pinaka mataas na bundok sa probinsya ng Rizal. Ito na din ang first major hike ni Ms. Angie kaya special ang climb na ito. Medyo kabado at nag-aalangan din ako sa kondisyon ng katawan ko, dahil bukod sa ilanh buwang walang akyat (which is last June pa ang akyat ko), back-office na ang naging work ko kung saan halos nakaupo lang ako buong araw.  November 10 - Meetup sa KIA cubao. Sumakay na kami ng UV Van patungong Cogeo, Antipolo kung saan magtatransfer kami sa Monster Jeep which is diretso na hanggang sa jumpoff sa Sta. Ine...