Posts

Showing posts from April, 2018

7th Hike: Mount Sawi

Image
Hiking Leaf # 7: First hike of 2018  Naging busy ang buwan ng Enero para sa akin dahil na rin sa aking trabaho kaya hindi na rin ako nakasama sa mga naging ahon ng aking grupo. Kaya halos dalawang buwan na din ako walang akyat at naisip ko kung kakayanin kong sundan ng isa pang Major si Tapulao. Pero syempre, ayoko din mabigla ang aking sarili kaya nagpasya akong mag-minor climb muna para mapakiramdaman ko ulit ang aking mga tuhod.  Inaya ako ni Doc Sheng (naging kasama ko sa Montalban Trilogy Version 1) na sumama sa climb ng grupo nya sa Mount Sawi. Syempre ako, hindi na ako nag-atubili at umo-o na ako sa alok nya. Inaya ko din si Jaypee at masaya ako na pumayag sya. February 3, 2018 - Nagpa-pick up na kami ni Jaypee sa Munoz dahil pa-norte naman ang byahe namin at para na rin makatipid sa pamasahe :D Na-excite din ako sa hike namin na ito dahil sa Nueva Ecija ang lokasyon ng aakyatin namin, ang pinakamamahal kong probinsya. Mga kakilala ni Doc Sheng lahat ng nasa van kaya t

5th Hike: Mount Batulao

Image
Hiking Leaf # 5: Birthday Climb sa Batulao November 12, 2017: Na-aachieved ko na ang monthly hike na panata ko and masaya ako dahil nagagawa ko yun. Balik ulit ako sa Mother Group ko, ang Galang Paa, and sa Mount Batulao ang hike ng grupo. Hindi nakasama sa climb si Jaypee na hiking buddy ko, dahil may naka-sched syang Ugo in the next day (Wow! Ugo!). Inaya ko yung isang katrabaho ko, si Edlen at yung school mate ko dati nung college na si Ella.  Pagdating sa meeting place (as usual san pa ba? KFC!), napag-alaman ko na 2 vans kami ngayon! May mga kasamang joiners yung isang kasama namin and parang magkakatrabaho yata sila and napunan talaga nila ang isang buong van! Well, kaming magkakakilala na ang magkakasama sa isang van. Si Momshie, nagpasyang sumama sa kabilang van dahil syempre, sya ang organizer, para makilala nya yung isang grupong joiners.  Bumiyahe na kami then may dinaanan pa kami bandang Cavite area na dalawa pang joiners kung saan, kakilala ng dalawang kasama namin.

4th Hike: Mount Talamitam

Image
Hiking Leaf # 4: Mainam sa Talamitam October 22, 2017 - Almost isang buwan ulit since last umakyat ako, di ko pa din masundan ng Major climb yung first ever hike ko, pero ok lang atleast nagagawa ko pa din yung hobby ko. Nagpasya akong sumama sa reunion climb ng aking katrabaho sa aking pinapasukang kompanya. Mount Talamitam yung napili nilang akyatin. I know na baka ma-OP ako sa kabuoan ng trail kaya isinama ko yung pinsan kong babae para sa climb na to at yung hiking buddy ko na si Jaypee.  6:00 am ang call-time pero ang malupit pa dun, sa Sta. Rosa, Laguna pa ang magiging meet-up. 2:00 am bumiyahe na kami ng mga kasama ko papuntang Laguna. Napaka-aga, iniiwasan ko lang maging cause of delay pa kami sa event nila kaya ok lang kung kami ang maghihintay. Around 4:00 am nakarating na kami ng Laguna at dumiretso na kami sa Jollibee. Kami ang nauna sa grupo and proud ako doon ha! ha! ha!  6:00 am nang makita namin si Sir Jon (Kakilala ng Katrabaho ko - Sir Randy) and sya ang una

3rd Hike: Montalban Trilogy Version 1

Image
Hiking Leaf # 3: First Trilogy Climb September 24, 2017 - After almost a month na pahinga sa pamumundok ay muli akong napasama sa Climb ng group namin. Dala na din siguro na hindi tumatama yung restday ko sa schedule ng climb ng group kaya hindi ako nakakasama sa kanila. Excited na excited ako dahil muling matatagtag ang katawan ko at syempre yung experience na mararanasan ko, #BundokIsLife na si ako eh.  Trilogy climb, ibig sabihin, tatlong bundok and aakyatin namin in one day! Di ko alam kung matatapos ko ba yung climb, makokompleto ko ba yung tatlong bundok, makakalakad pa ba ako paguwi ko ng bahay or tutuloy pa ba ako sa climb na ito! Pero syempre, walang mangyayari kung hindi mo susubukan.  Hindi ko na nakasama si Appoy sa climb namin dahil nag-aasikaso na sya ng mga papeles nya para sa Taiwan nya. Medyo nalungkot din dahil yung nag-impluwensiya sa akin mamundok ay mag-aabroad na at di ko na din makakasama. Sa halip, kasama ko si Jaypee sa climb na ito.  Pagdating ng

2nd Hike: Taal Volcano

Image
Hiking Leaf #2: Taal trip + Caleuega Church August 27, 2017: Isang linggo after ng first ever climb ko, nagpasya ulit akong umakyat. Naging hanap-hanap na sya ng sistema ng katawan ko. Nagpasya ang grupo na mag-Taal kami para lang matuloy ang hike. Originally kasi dapat sa Pinatubo ang aming tungo, subalit dahil sa sama ng panahon sa Zambales, kinancel ang Pinatubo trip, imbes ay nag-Taal na lang kami.  Kasabay ko pa din si Appoy pumunta ng meet-up pero dinaanan ko muna yung isang kaibigan ko, si Kat. Conflict ang schedule ni Jaypee at nag-busy si JR kaya hindi sila nakasama sa Taal. After meet-up ni Kat ay dumiretso na kami sa sikat na meet-up ng mga climbers, ang KFC-Kia! Bagong mukha ang mga makakasama namin sa Taal, pero si Asky na nakasama ko sa Makiling, kasama pa din, napag-alaman ko na birthday climb pala nya ito.  After ng ilang oras ay bumiyahe na kami pa-Tagaytay, may mga dinaanan din kami along the road (Kristinnah & Gerald).  Around 3:00 am nakarating na ka

1st Hike: Mount Makiling

Image
Hiking Leaf #1: My mother mountain: Makiling August 20, 2017 - Excited na Excited ako sa una kong pagtatangkang umakyat ng bundok. Sabi ng katrabaho kong si Appoy, Major Hike daw ang aakyatin namin kaya talagang nakaramdam ako ng excitement, walang feeling na kaba, excitement ang nangingibabaw. Siguro dahil kasama ko din sa unang experience na ito yung dalawang best of friends ko. Jaypee, JR at syempre Ako!  Meet-up sa KFC Cubao, sabay sabay na kami ng mga kaibigan ko na sina Jaypee at JR na pumasok sa loob, nagkakahiyaan pa kasi sa grupo na sasalihan namin. Si Momshie ang organizer / Coordinator ng Galang Paa group na sinalihan namin, warm welcome kaagad.  Then 12 midnight, lumarga na kami pa-Laguna.  Medyo nagkaligaw ligaw pa kami papuntang jump-off dahil sa liblib na din ang lugar ng jump-off at dala na din siguro na hindi masyado akyatan ang Majestic na si Makiling.  Pagkatapos ng maraming ikutan, nakarating na kami sa Sto.Tomas, Batangas Jump-off (salamat sa Tricyc