2nd Hike: Taal Volcano

Hiking Leaf #2: Taal trip + Caleuega Church



August 27, 2017: Isang linggo after ng first ever climb ko, nagpasya ulit akong umakyat. Naging hanap-hanap na sya ng sistema ng katawan ko. Nagpasya ang grupo na mag-Taal kami para lang matuloy ang hike. Originally kasi dapat sa Pinatubo ang aming tungo, subalit dahil sa sama ng panahon sa Zambales, kinancel ang Pinatubo trip, imbes ay nag-Taal na lang kami.

 Kasabay ko pa din si Appoy pumunta ng meet-up pero dinaanan ko muna yung isang kaibigan ko, si Kat. Conflict ang schedule ni Jaypee at nag-busy si JR kaya hindi sila nakasama sa Taal. After meet-up ni Kat ay dumiretso na kami sa sikat na meet-up ng mga climbers, ang KFC-Kia! Bagong mukha ang mga makakasama namin sa Taal, pero si Asky na nakasama ko sa Makiling, kasama pa din, napag-alaman ko na birthday climb pala nya ito.

 After ng ilang oras ay bumiyahe na kami pa-Tagaytay, may mga dinaanan din kami along the road (Kristinnah & Gerald).

 Around 3:00 am nakarating na kami sa Tagaytay, dahil sobrang maaga pa, nagpark muna kami sa isang gasoline station, nagkwentuhan na din. Ramdam ko din ang lamig maging ang simoy ng lawa ng Taal. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay dumating na yung contact ni Momshie para sa Taal tour namin, then, bumiyahe na kami papuntang resort.

 Nagbangka kami papuntang Taal island, at first, kabado ako dahil alam kong hindi ako marunong lumangoy and dagdag pa na alam ko din na sadyang napaka-lalim ng Taal lake! Pero syempre, para sa safety ng grupo, naka-life vest kami.

 Napakalamig ng hangin habang bumabyahe via boat patungong Taal. Ang ganda ng kapaligiran, pagkakataon para mag-reflect sa sarili, sa aking buhay-buhay. Nagkaroon din kami ng pagkakataon na mag-selfie along the trip.

Oppa para kay Taal!

Groupie muna bago makarating ng pampang! Medyo kabado ako ng moment na yan.

 Nakababa na kami ng pampang and nag-start na din kami sa trail. Di ko akalain na may komunidad sa isla ng taal, may eskwelahan, maraming kabahayan at may mga maliliit na establisyimentong mga nakatayo doon. Ramdam ko din ang payak na pamumuhay ng mga nakatira sa isla. Along the trail ay may mga dumi ng mga kabayo, mga katuwang sa buhay ng mga nakatira dito sa isla. 

 Chill lang ang trail, siguro dahil sa sistema pa rin ng katawan ko yung trail na tinahak ko sa Makiling. Sinasabayan ko din sa trail si Kat dahil syempre ako yung nag-aya sa kanya dito. Masaya din ako na nakasama sya sa trip although alam kong gustong-gusto nya ang Pinatubo trip.

 Habang nasa trail ay iniisip ko na pupunta kami sa "Binintiang Malaki" crater, yung crater na sikat na sikat sa mga picture ng Taal. Nalungkot lang ako ng sinabi ng guide sa amin na hindi kami makakapunta duon, sa isip-isip ko, anu pala ang inakyat namin dito sa Taal ? Wala yung ini-imagine ko na crater view, yung pang-Facebook DP ko. Nag-selfie kami bago magpatuloy sa trail.

Groupie with the famous crater ng Taal

 May mga nadaanan kaming mga steam along the trail and ramdam ko na din ang init. May mga nakakasabay din kaming mga locals na nakasakay sa kabayo, ang kabayo ang kanilang mode of transportation nila dito sa isla. 

 Naging assault na din ang trail paakyat sa peak, pero minimal lang sya. Pagkarating sa taas ay nagulat ako sa view na nakita ko, yung inaasahan kong view na makikita ko, mararating ko din pala! Hindi ako nabigo sa trip na'to di tulad ng inakala ko dahil sa sinabi sa amin ng guide kanina. Kating kati na ako magpicture! Ha! Ha! Ha!

 Sikat dito yung Red Lava na sinasabi nila kaso may bayad sya papasok, Php 50 ang bayad. Ang masaya pa dito, kami yung naunang grupo dito sa peak, masosolo daw namin ang Red Lava kaya minamadali na din kami ng guide.

 Literal nga na Red ang lupa sa area dala na din siguro na bulkan ang isla. Solong-solo nga namin ang lugar kaya hindi namin pinalampas ang pagkakataon na mag-selfie sa napakagandang view ng Taal Main crater. Kitang-kita din di kalayuan ang nauna kong pinapangarap akyatin na bundok, ang Maculot, kitang-kita din ang napaka-unlad na lugar ng Tagaytay dahil sa mga buildings na nakatayo roon.

Selfie sa Main Crater and featuring Mount Maculot

Selfie kasama si Kat!

Groupie with matching pa-lobo!

 After ng ilang kuha sa Red Lava ay nagpasya na kaming bumalik sa kubo para i-celebrate ang birthday ng aming kasama na si Asky. Masayang experience din dahil may pakain at pabirthday pa pala ang aming organizer para sa kasamahan namin. After namin kumain, nagpahinga kaunti at nag-selfie selfie pa sila sa view deck. Maya-maya pa ay nagpasya na din ang grupo na bumaba na at bumalik sa resort. 

 Maaga kami natapos at marami-rami na kaming nakakasalubong pababa, ang iba sa kanila ay nakasakay ng kabayo. Around 10:00 am ay nakabalik na kami sa resort. Dumiretso na kami ng Tagaytay at ng Caleruega after ng trip.

 Kahit na hindi masyado nasubukan ang katawan ko sa hike namin, hindi naman ako binigo ni Taal sa napakagandang view at syempre sa experience na hinahangad ng mga karamihan na mapuntahan ang isla ng Taal especially ang Red Lava. 

August 27, 2017
2nd hike (volcano hike)
My 2nd mountain
Taal Volcano (311+ masl)
Minor hike

Comments

Popular posts from this blog

14th Hike: Montalban Trilogy V2

4th Hike: Mount Talamitam