1st Hike: Mount Makiling
Hiking Leaf #1: My mother mountain: Makiling
The unexpected - patarik ng patarik ang mga trail, nawala na din ang formation namin. Dala na rin siguro ng pagka-beginner ko kaya naunahan na ako ng ibang kasama ko.
Habang paakyat kami sa Station 10, isa sa mga kaibigan ko ang nadulas. Pinakiramdaman namin sya at pansin na pansin ko din ang pamumutla nya. Mga ilang minuto din kami nahinto sa trail, ang ibang kasama namin nag-advance na. Maya-maya pa ay nagpasya na ang kaibigan ko na bumalik na lang sa Jump-off at hindi na magpapatuloy. Para sa akin, nalungkot ako dahil tatlo kaming magkakaibigan ang umakyat at gusto ko tatlo din kaming makakatapos. Ayoko namang i-risk ang safety ng kaibigan ko kaya di ko na din sya kinontra sa desisyon nya. Kasama ang aming sweeper guide, bumalik sila pa-jum off at kami ay nagpatuloy na.
Limatik zone - approaching sa Station 15, sinabihan na kami ng guide namin na marami nang limatik sa trail. Ang iba sa amin, especially mga babae ay medyo nangamba na. Ako, curious kung anu itsura nun 😎 and pinalad naman ako na makapitan ng limatik!
First Peak - mula sa walang view na kapaligiran ay naakyat na namin ang first peak, rope segment ang pinagdaanan namin. Napa-wow ako sa view na nakita ko, overlooking na view, kita ang Laguna pati ang pinanggalingan namin. View na gustong gusto ko makita. Hindi ko napigilang magpapicture dahil talagang nag-enjoy ako. At syempre, picture picture ang grupo 😎 after nyan ay nagpatuloy na kami dahil malayo pa daw ang patutunguhan namin.
Habang patungo kami sa Peak 2 ay bumuhos na ang ulan kung saan lalong nagpahirap para sa akin ang pag-akyat, nagsisimula na ding mamulikat ang aking mga hita. Dagdag pa ang mga limatik na gumagapang sa aking damit. Nabasa na din ang aking bag.
Peak Two - Paakyat ng ay nagbibiruan na ang bawat isa sa amin na wag na tumuloy. Sa isip isip ko ay dapat ituloy ko na din ito dahil malapit na din kami at malayo na kung babalik pa kami.
Naging pababa na ang naging trail at medyo matatarik ang mga bato na nasa daan. Di ko na ininda ang mga limatik na gumagapang sa damit ko at iniisip ko ay marating ang huling peak.
Habang paakyat na kami sa station 30 ay parang may napansin akong nakatago sa makakapal na puno. Medyo kinabahan na din ako na baka NPA ito or anu man. Pero nagulat na lang kami na isang koreanong solo hiker ang naabutan namin sa station 30!
Sa wakas at nakarating din kami sa station 30, ang last peak ng Makiling, hindi man ako nabiyayaan ng magandang view or clearing, dulot na din siguro ng maulang panahon, pero ang pakiramdam na naachieved ko ang first ever climb ko ang nagbigay sa akin ng winning feeling. Masaya ang grupo at nagsimula na kaming mag-picture picture! Subalit nakakalungkot pa din para sa akin dahil hindi kami kumpletong magkakaibigan na nakaabot sa summit ng Makiling, pero sa kabila nun, alam kong uulit ako at muling makakasama ang aking mga kaibigan! 😎
August 20, 2017 - Excited na Excited ako sa una kong pagtatangkang umakyat ng bundok. Sabi ng katrabaho kong si Appoy, Major Hike daw ang aakyatin namin kaya talagang nakaramdam ako ng excitement, walang feeling na kaba, excitement ang nangingibabaw. Siguro dahil kasama ko din sa unang experience na ito yung dalawang best of friends ko.
Meet-up sa KFC Cubao, sabay sabay na kami ng mga kaibigan ko na sina Jaypee at JR na pumasok sa loob, nagkakahiyaan pa kasi sa grupo na sasalihan namin. Si Momshie ang organizer / Coordinator ng Galang Paa group na sinalihan namin, warm welcome kaagad.
Then 12 midnight, lumarga na kami pa-Laguna.
Medyo nagkaligaw ligaw pa kami papuntang jump-off dahil sa liblib na din ang lugar ng jump-off at dala na din siguro na hindi masyado akyatan ang Majestic na si Makiling.
Pagkatapos ng maraming ikutan, nakarating na kami sa Sto.Tomas, Batangas Jump-off (salamat sa Tricycle na naghatid sa amin sa Jump-off). Around 4 am na din iyon, kaya ramdam ang lamig, madilim ang paligid. Nagpalit na kami ng damit, deretso sa registration house.
Akala ko aakyat na din kami nun pero hindi pa daw maaari dahil masyadong madilim sa trail at delikado para sa amin. Kaya nagpahinga muna kami at uminom ng munggo 😊
7:00 am - nagsimula na kami mag-trek and nagdecide ang Organizer namin na kaming mga beginners ang nasa unahan para nakadepende ang trail sa pacing namin. Ako ang nasa unahan kasama ang isa sa 2 guides namin - si Spencer. Mahabang lakaran, may mga kabahayan hanggang sa naging masukal na ang daan. Nakaabot kami sa Station 1 at nagpahinga, syempre picture! Picture! 😊
Jaypee, JR at syempre Ako!

Groupie muna bago mag-start :)
7:00 am - nagsimula na kami mag-trek and nagdecide ang Organizer namin na kaming mga beginners ang nasa unahan para nakadepende ang trail sa pacing namin. Ako ang nasa unahan kasama ang isa sa 2 guides namin - si Spencer. Mahabang lakaran, may mga kabahayan hanggang sa naging masukal na ang daan. Nakaabot kami sa Station 1 at nagpahinga, syempre picture! Picture! 😊
The unexpected - patarik ng patarik ang mga trail, nawala na din ang formation namin. Dala na rin siguro ng pagka-beginner ko kaya naunahan na ako ng ibang kasama ko.
Habang paakyat kami sa Station 10, isa sa mga kaibigan ko ang nadulas. Pinakiramdaman namin sya at pansin na pansin ko din ang pamumutla nya. Mga ilang minuto din kami nahinto sa trail, ang ibang kasama namin nag-advance na. Maya-maya pa ay nagpasya na ang kaibigan ko na bumalik na lang sa Jump-off at hindi na magpapatuloy. Para sa akin, nalungkot ako dahil tatlo kaming magkakaibigan ang umakyat at gusto ko tatlo din kaming makakatapos. Ayoko namang i-risk ang safety ng kaibigan ko kaya di ko na din sya kinontra sa desisyon nya. Kasama ang aming sweeper guide, bumalik sila pa-jum off at kami ay nagpatuloy na.
Limatik zone - approaching sa Station 15, sinabihan na kami ng guide namin na marami nang limatik sa trail. Ang iba sa amin, especially mga babae ay medyo nangamba na. Ako, curious kung anu itsura nun 😎 and pinalad naman ako na makapitan ng limatik!
First Peak - mula sa walang view na kapaligiran ay naakyat na namin ang first peak, rope segment ang pinagdaanan namin. Napa-wow ako sa view na nakita ko, overlooking na view, kita ang Laguna pati ang pinanggalingan namin. View na gustong gusto ko makita. Hindi ko napigilang magpapicture dahil talagang nag-enjoy ako. At syempre, picture picture ang grupo 😎 after nyan ay nagpatuloy na kami dahil malayo pa daw ang patutunguhan namin.
Groupie muna dahil maganda ang view
Habang patungo kami sa Peak 2 ay bumuhos na ang ulan kung saan lalong nagpahirap para sa akin ang pag-akyat, nagsisimula na ding mamulikat ang aking mga hita. Dagdag pa ang mga limatik na gumagapang sa aking damit. Nabasa na din ang aking bag.
Peak Two - Paakyat ng ay nagbibiruan na ang bawat isa sa amin na wag na tumuloy. Sa isip isip ko ay dapat ituloy ko na din ito dahil malapit na din kami at malayo na kung babalik pa kami.
Jaypee, Appoy (My Influencer) at Ako
Naging pababa na ang naging trail at medyo matatarik ang mga bato na nasa daan. Di ko na ininda ang mga limatik na gumagapang sa damit ko at iniisip ko ay marating ang huling peak.
Habang paakyat na kami sa station 30 ay parang may napansin akong nakatago sa makakapal na puno. Medyo kinabahan na din ako na baka NPA ito or anu man. Pero nagulat na lang kami na isang koreanong solo hiker ang naabutan namin sa station 30!
Sa wakas at nakarating din kami sa station 30, ang last peak ng Makiling, hindi man ako nabiyayaan ng magandang view or clearing, dulot na din siguro ng maulang panahon, pero ang pakiramdam na naachieved ko ang first ever climb ko ang nagbigay sa akin ng winning feeling. Masaya ang grupo at nagsimula na kaming mag-picture picture! Subalit nakakalungkot pa din para sa akin dahil hindi kami kumpletong magkakaibigan na nakaabot sa summit ng Makiling, pero sa kabila nun, alam kong uulit ako at muling makakasama ang aking mga kaibigan! 😎
At last sa peak ni Inang Makiling!
August 20, 2017
1st hike (1st major)
My 1st mountain
Mt. Makiling (1,090+ masl)
Major hike - traverse
Comments
Post a Comment