3rd Hike: Montalban Trilogy Version 1
Hiking Leaf # 3: First Trilogy Climb
September 24, 2017 - After almost a month na pahinga sa pamumundok ay muli akong napasama sa Climb ng group namin. Dala na din siguro na hindi tumatama yung restday ko sa schedule ng climb ng group kaya hindi ako nakakasama sa kanila. Excited na excited ako dahil muling matatagtag ang katawan ko at syempre yung experience na mararanasan ko, #BundokIsLife na si ako eh.
Trilogy climb, ibig sabihin, tatlong bundok and aakyatin namin in one day! Di ko alam kung matatapos ko ba yung climb, makokompleto ko ba yung tatlong bundok, makakalakad pa ba ako paguwi ko ng bahay or tutuloy pa ba ako sa climb na ito! Pero syempre, walang mangyayari kung hindi mo susubukan.
Hindi ko na nakasama si Appoy sa climb namin dahil nag-aasikaso na sya ng mga papeles nya para sa Taiwan nya. Medyo nalungkot din dahil yung nag-impluwensiya sa akin mamundok ay mag-aabroad na at di ko na din makakasama. Sa halip, kasama ko si Jaypee sa climb na ito.
Pagdating ng meet-up ay kamustahan ulit dahil halos isang buwan nga din kaming hindi nagkasama sama ng group. Maraming bagong mukha na kasama sa group, at ito rin talaga yung nagpapa-excite sa akin kapag may climb ako, new friends na makikilala. Sina Asky, Ate Jin, Jaymark at charmaigne yung mga kilala ko. After macomplete ng buong team ay lumarga na kami patungong Rodriguez, Rizal.
Nakatulog pala ako sa biyahe dahil pagkagising ko nasa Jump-off na kami at nag-aayos na yung mga kasama ko. Napakaraming mga hikers sa tapat ng Brgy Hall at first time kong makakita ng ganun. Kumain muna kami ng almusal at bumili din kami ng gloves dahil ayon na din kay Momshie ay kailangan naming mag-gloves, di ko alam kung bakit.
4:30 am - Nag-start na kami sa trail papuntang Binacayan, ang unang bundok na aakyatin namin. Madilim pa at first time na naman yun! Wala akong dalang flashlight kaya medyo nahirapan ako along the trail. Umasa na lang ako sa mga head lamps at flashlights ng mga kasama ko. Talagang nangangapa ako sa daan ha! ha! ha! Naging mabato na ang daan na tinatahak ko, malalaking bato, na kailangang gapangin, nahirapan talaga ako dahil bukod sa bago para sa akin ang trail, wala din akong flashlight.
Nagpatuloy ang trail na puro mabato ang daan, kakapitan mo ay bato, dito ko napagtanto yung kahalagahan ng gloves na sinasabi ni momshie. Matatatalas ang mga bato na kakapitan mo at mga sanga na kakapitan mo din. Buti na lang at medyo nagkaliwanag na sa trail kaya nakabawas sa paghihirap ko.
Binacayan Summit | Sea of Clouds - Around 5:30 am ng makarating kami sa summit ng Binacayan, nagulat ako sa mga kasama ko ng nagtatakbuhan sila papuntang summit. Laking gulat ko ng makita ko ang napakagandang view na first time kong makakita, ang mailap na Sea of Clouds ng Binacayan. Sabi sa amin ng guide ay napakaswerte namin dahil naabutan namin at nakakita kami ng SOC. Tuwang-tuwa ako sa view na nakita ko at di ko mapigilang magpakuha ng litrato.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpasya na ang grupo na bumaba na dahil may dalawang bundok pa kaming aakyatin. Hindi kami nag-backtrail kaya naisip ko na madali dali siguro ang dadaanan namin. Napakatarik ng mga bato na dinadaanan namin at napaka-talas pa. May mga nakakasalubong din kami sa trail dahilan kaya hindi kami tuloy tuloy sa trail.
Bumalik kami sa Jump-off dahil iba pala ang daan patungo sa Pamitinan at sa Haponang Banoi. Doon ay may nadaanan kaming tulay kung saan dumadaloy sa ibaba ang Wawa river. Sementado ang daan pataas at ito ang lalong nagpahirap at nagpahingal sa akin. Dito nasabukan ang hangin sa katawan ko dahil grabe ang hingal ko sa trail na assault. Panay take-5 din ako para habulin ang hangin sa baga ko. Bakit hindi ko to naranasan sa Makiling? Grabe talaga ang experience na yun. Push lang kami ni Jaypee na kabuddy ko sa trail. Nagpatuloy kam hanggang makarating kami sa Junction. Doon ay may mga tindahan na nagbebenta ng tubig, softdrinks, chips, buko atbp. Dito kami nag-take 5 ng medyo matagal-tagal at nag-assemble ang grupo.
After take-5 ay umakyat na kami patungong Pamitinan. Same din ang trail, mabato, characteristics na din talaga ng mga bundok sa Rizal ang mga mababatong bundok nito. Around 11:00 am nakarating na kami sa summit ng Pamitinan. Dito pala yung nakikita kong "buwis-buhay" shot na nakikita ko sa Climber Group page sa FB. Naghintay muna kami ng matagal-tagal na matagal para makapag-papicture sa peak dahil sa dami ng tao na naabutan namin.
After taking pictures sa Peak ay bumaba na din kami pabalik ng Junction. Pagkarating ng Junction, take-5 ulit at nagpasya si Jaypee na hindi na tumuloy sa Haponang Banoi at magpapa-iwan na lang sa Junction. Pinilit ko pa sya na ituloy pero may nararamdaman na daw sya sa mga paa nya kaya di ko na din sya pinilit pa.
Mas mabato ang trail patungong Haponang Banoi at marami raming kawayan ang makikita sa daan. Ayon sa aking pagkakarinig, Easy Trail daw ang dinaanan namin kaya medyo naging panatag ako. Matatarik at matutulis ang mga bato na dinadaanan namin, kaya todo kapit ako sa mga bato. Di na ako nag-selfie selfie sa trail dahil delikado at higit sa lahat, sira ang camera ng phone ko ha! ha! ha!
Nakarating kami sa tambayan sa Haponang Banoi at doon na nagpahinga ng matagal tagal, kasama din namin doon yung ibang hikers mula sa ibang grupo. Picture-picture din kami dahil maganda ang view. Sinabi sa amin ng guide na hindi pa daw iyon ang pinaka-summit ni Haponang Banoi, subalit ang iba sa amin ay hindi na nagpasyang akyatin pa ang pinaka-summit. Syempre ako, hindi ko sasayangin na ang climb na hindi maakyat ang pinakasummit. Ako kasama ang anim ko pang kasamahan ay inakyat namin ang pinaka-summit. Grabe ang talas ng mga bato dito at sobrang tarik, kaya pala hindi na tumuloy ang iba sa amin dahil siguro na tatahakin nilang trail. Maliit lang ang espasyo sa itaas pero nagawa pa din naming Magnificent 7 na mag-group picture. After ng ilang shots, bumalik na kami sa tambayan at nagsimula na din kami mag-descent.
Habang pababa kami sa trail ay dito ko na naramdaman ang pagod sa aking katawan. Dito na ako nagsimulang hindi mamansin dahil sa isip-isip ko ay kailangan ko nang makababa sa Jump-off. Pagkadaan sa Junction ay hindi na kami tumigil dahil ang alam namin ay dumiretso na sina Momshie sa Jump-off. Pagkarating sa Jump-off, napa-upo na lang ako sa isang tindahan at di ko namalayan na nakatulog na pala ako! Ginising na lang ako ni Jaypee para kumain na kami.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga na din kami at nagkwentuhan, dun pa lang nag-sink in sa akin na natapos ko pala yung trilogy. Achievement para sa akin at syempre masayang-masaya ako. Nasubukan na naman ang kapasidad ng aking sarili sa mga ganitong klase ng climb. Although hindi sya maituturing na Major Climb, masaya pa din ako at dito ko naranasan yung mapagod at makatulog ng hindi namamalayan!

Wow! Sea of Clouds - Mount Binacayan

"Buwis-Buhay shot" - Mount Pamitinan
Dub Shot sa Pamitinan.
After taking pictures sa Peak ay bumaba na din kami pabalik ng Junction. Pagkarating ng Junction, take-5 ulit at nagpasya si Jaypee na hindi na tumuloy sa Haponang Banoi at magpapa-iwan na lang sa Junction. Pinilit ko pa sya na ituloy pero may nararamdaman na daw sya sa mga paa nya kaya di ko na din sya pinilit pa.
Mas mabato ang trail patungong Haponang Banoi at marami raming kawayan ang makikita sa daan. Ayon sa aking pagkakarinig, Easy Trail daw ang dinaanan namin kaya medyo naging panatag ako. Matatarik at matutulis ang mga bato na dinadaanan namin, kaya todo kapit ako sa mga bato. Di na ako nag-selfie selfie sa trail dahil delikado at higit sa lahat, sira ang camera ng phone ko ha! ha! ha!
Groupie sa Tambayan ng Haponang Banoi.
Nakarating kami sa tambayan sa Haponang Banoi at doon na nagpahinga ng matagal tagal, kasama din namin doon yung ibang hikers mula sa ibang grupo. Picture-picture din kami dahil maganda ang view. Sinabi sa amin ng guide na hindi pa daw iyon ang pinaka-summit ni Haponang Banoi, subalit ang iba sa amin ay hindi na nagpasyang akyatin pa ang pinaka-summit. Syempre ako, hindi ko sasayangin na ang climb na hindi maakyat ang pinakasummit. Ako kasama ang anim ko pang kasamahan ay inakyat namin ang pinaka-summit. Grabe ang talas ng mga bato dito at sobrang tarik, kaya pala hindi na tumuloy ang iba sa amin dahil siguro na tatahakin nilang trail. Maliit lang ang espasyo sa itaas pero nagawa pa din naming Magnificent 7 na mag-group picture. After ng ilang shots, bumalik na kami sa tambayan at nagsimula na din kami mag-descent.
3rd Mountain: Haponang Banoi
The Magnificent Seven!
Habang pababa kami sa trail ay dito ko na naramdaman ang pagod sa aking katawan. Dito na ako nagsimulang hindi mamansin dahil sa isip-isip ko ay kailangan ko nang makababa sa Jump-off. Pagkadaan sa Junction ay hindi na kami tumigil dahil ang alam namin ay dumiretso na sina Momshie sa Jump-off. Pagkarating sa Jump-off, napa-upo na lang ako sa isang tindahan at di ko namalayan na nakatulog na pala ako! Ginising na lang ako ni Jaypee para kumain na kami.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga na din kami at nagkwentuhan, dun pa lang nag-sink in sa akin na natapos ko pala yung trilogy. Achievement para sa akin at syempre masayang-masaya ako. Nasubukan na naman ang kapasidad ng aking sarili sa mga ganitong klase ng climb. Although hindi sya maituturing na Major Climb, masaya pa din ako at dito ko naranasan yung mapagod at makatulog ng hindi namamalayan!
Stolen Shot! KO Shot sa biyahe pauwi! Ha! Ha!
September 24, 2017
3rd Hike
My 3rd - 5th mountains
First Trilogy hike
Mt. Binacayan (424+ masl)
Mt. Pamitinan (426+ masl)
Mt. Haponang Banoi (517+ masl)
Minor Hike
Comments
Post a Comment