7th Hike: Mount Sawi

Hiking Leaf # 7: First hike of 2018



 Naging busy ang buwan ng Enero para sa akin dahil na rin sa aking trabaho kaya hindi na rin ako nakasama sa mga naging ahon ng aking grupo. Kaya halos dalawang buwan na din ako walang akyat at naisip ko kung kakayanin kong sundan ng isa pang Major si Tapulao. Pero syempre, ayoko din mabigla ang aking sarili kaya nagpasya akong mag-minor climb muna para mapakiramdaman ko ulit ang aking mga tuhod.

 Inaya ako ni Doc Sheng (naging kasama ko sa Montalban Trilogy Version 1) na sumama sa climb ng grupo nya sa Mount Sawi. Syempre ako, hindi na ako nag-atubili at umo-o na ako sa alok nya. Inaya ko din si Jaypee at masaya ako na pumayag sya.

February 3, 2018 - Nagpa-pick up na kami ni Jaypee sa Munoz dahil pa-norte naman ang byahe namin at para na rin makatipid sa pamasahe :D Na-excite din ako sa hike namin na ito dahil sa Nueva Ecija ang lokasyon ng aakyatin namin, ang pinakamamahal kong probinsya. Mga kakilala ni Doc Sheng lahat ng nasa van kaya talagang kami ni Jaypee ang bago / joiners sa grupo.

 May pinick-up kami bandang Tarlac if i remember na isang kasamahan nila and mga 4:00 am na kami nakarating sa jump-off ni Mount Sawi. Sobrang lamig sa jump-off kaya napakain muna kami ng lugaw para mainitan man lang yung mga sikmura namin. Marami ding mga climbers na kasama namin dahil matao sa jump-off. 5:00 am nag-start na kami mag-trek. May mga kabahayan pa kaming nadadaanan sa first part ng trail hanggang sa makaabot na kami sa biglaang assault ni Sawi. Hindi naman sya over na assault pero mabibigla ka lang talaga (siguro dahil 2 months akong natengga sa pamumundok).


Sign board sa jumpoff

 Dahil madami dami kami kasama ang ibang mga grupo, nagkakatraffic din along the trail kaya nagkakaroon kami ng chance na makapagpahinga habang naghihintay sa mga nasa unahan! Ha! Ha! Naging forested na ang trail at medyo maliliit lang ang mga espasyo ng daan kaya talagang ramdam mo din talaga yung dami ng tao na mga kasabay mo.

Green Green Grass of Home!

Ako and Jaypee

 After almost an hour, nasilayan na namin ang liwanag at nakita na din namin ang magandang view sa paligid ni Mount Sawi. Makikita din along the trail yung mga sunog na mga talahiban dahil na rin sa pag-kakaingin. After ng forested trail ay naging banayad na ang trail at pwede mo syang takbuhin. Open trail na sya with matching talahiban at maeenjoy mo talaga ang view.




 Then after ng 1.5 hours ng lakaran, nakarating din kami sa summit ni Mount Sawi. Pangalawa kaming grupo na nakarating sa summit kaya medyo naghintay din kami bago namin nasolo ang famous na puno ng Mount Sawi. Umawra na kami sa puno at sinamantala ang pagkakataon habang wala pa yung ibang grupo na kasunod namin. Breathtaking ang view sa summit ni Mount Sawi, ang malawak na kapatagan ng Nueva Ecija at ang mala-kulay lahar na ilog sa ibaba. Laking gulat ko ng sinabi sa akin ng aming guide na Dupingan river yung nakikita naming ilog sa ibaba which is nilanguyan namin dati nung nagbabakasyon ako dito sa Nueva Ecija noong medyo kabataan ko pa.


with Doc Sheng (BabyDoc)

 Tumagal din kami sa summit dahil na din sa dami ng aming awra hanggang sa naabutan na din kami ng ibang grupo. Then nagstart na din kami mag-descent hanggang sa nakababa na kami sa jump-off ng mga 10:00 am. Pasalamat na din talaga kami dahil hindi naging maulan ang araw ng ahon namin dahil ayon sa mga nakita ko sa Youtube, may mga part ng trail sa Mount Sawi na sobrang madulas ito. Dahil naging maganda ang araw, wagi ang ahon namin sa Mount Sawi at syempre makaka-pag sidetrip pa kami sa Dingalan Beach!

Team Acrophile!



February 3, 2018
7th hike
My 9th mountain
Mt. Sawi (594+ masl)
Minor hike

Comments

Popular posts from this blog

14th Hike: Montalban Trilogy V2

4th Hike: Mount Talamitam

2nd Hike: Taal Volcano