5th Hike: Mount Batulao

Hiking Leaf # 5: Birthday Climb sa Batulao


November 12, 2017: Na-aachieved ko na ang monthly hike na panata ko and masaya ako dahil nagagawa ko yun. Balik ulit ako sa Mother Group ko, ang Galang Paa, and sa Mount Batulao ang hike ng grupo. Hindi nakasama sa climb si Jaypee na hiking buddy ko, dahil may naka-sched syang Ugo in the next day (Wow! Ugo!). Inaya ko yung isang katrabaho ko, si Edlen at yung school mate ko dati nung college na si Ella.

 Pagdating sa meeting place (as usual san pa ba? KFC!), napag-alaman ko na 2 vans kami ngayon! May mga kasamang joiners yung isang kasama namin and parang magkakatrabaho yata sila and napunan talaga nila ang isang buong van! Well, kaming magkakakilala na ang magkakasama sa isang van. Si Momshie, nagpasyang sumama sa kabilang van dahil syempre, sya ang organizer, para makilala nya yung isang grupong joiners.

 Bumiyahe na kami then may dinaanan pa kami bandang Cavite area na dalawa pang joiners kung saan, kakilala ng dalawang kasama namin. Then, byahe na kami papuntang Nasugbu! Madilim pa pagdating namin sa jump-off ng Batulao, around 4:00 am na yata iyon. Then maya-maya, tinipon na kami ni Momshie for briefing and syempre, nag-set na ng formation. Sinamahan ko na yung dalawang kasama ko para maalalayan ko na din sila.

 Nag-start na kami sa trail, unang part ng trail, sementado kasi community pa yung dinadaanan namin. Wala din akong dalang flashlight dahil nakalimutan ko syang dalhin! OMG! Umasa na naman ako sa pailaw ng cellphone ng mga kasama ko. Banayad lang ang trail and syempre malamig pa ang hangin kaya presko pa sa pakiramdam.

Dahil din sa madilim pa, hindi ko na namamalayan na wala na kami komunidad at matalahib na ang mga dinadaanan namin. Marami kaming stop-over at yun yung pinag-taka, then dun ko naalala na marami pa lang "Toll Fee" sa Batulao kung saan magbabayad for registration.

 Dahil sa dami din namin, may mga oras na humihinto kami or nagkaka-traffic sa trail. Deep-inside, ayoko din ng ganito, hindi mo mafefeel yung essence ng nature, yung makakapag-reflect ka sa buhay mo. Pero dahil sumama ako sa event na'to at part din ako dito, wala na akong magagawa sa ngayon, enjoy the trail na lang! Ha! Ha! Ha!

 Inabot na kami ng bukang-liwayway sa trail at dun ko nasilayan ang ganda ng mga peaks ni Batulao. Yung lamig ng hangin na sumisimoy sa akin, talagang napakaganda ng kalikasan. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa Knife-Edge ni Batulao. Talagang nakakalula dito at dumaan ako sa part na'yun ng nakayuko. May mga part din na gagamit ka ng lubid (which is andun na sya) para sa mga steep assault nya.

 After ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na din kami sa summit ni Batulao. Wala masyadong clearing nung pagka-akyat namin. Dito na din kami nagpasyang kumain ng aming grupo. Sa dami namin, parang kami na din nagpa-crowded sa summit, lalo na nung dumating na yung ibang grupo na nasa likuran namin.


Wow! View sa other side ng Batulao


Thumbs-up dahil walang clearing!


Ella, Edlen and Ako


Boom! Crowded sa Summit!


Groupie with Momshie


Groupie sa Summit

 Malakas ang hangin sa summit kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mahawi yung kaulapan na tumatakip sa magandang view mula sa summit. Hindi nga lang ako pinalad na magkaroon ng magandang shot mula sa summit dahil wala talagang clearing pagdating namin.

 Enjoy din ang experience ng pag-akyat ko sa Batulao lalo na sa "Knife-Edge" nya at syempre sa magandang view na makikita mo along the trail.

November 12, 2017
5th hike
My 7th mountain
Mt. Batulao (811+ masl)
Minor hike

Notes: Batulao is part of the Nasugbu Trilogy which consists of Mt. Apayang, Mt. Talamitam and Mt. Batulao itself

Comments

Popular posts from this blog

14th Hike: Montalban Trilogy V2

4th Hike: Mount Talamitam

2nd Hike: Taal Volcano