4th Hike: Mount Talamitam

Hiking Leaf # 4: Mainam sa Talamitam



October 22, 2017 - Almost isang buwan ulit since last umakyat ako, di ko pa din masundan ng Major climb yung first ever hike ko, pero ok lang atleast nagagawa ko pa din yung hobby ko. Nagpasya akong sumama sa reunion climb ng aking katrabaho sa aking pinapasukang kompanya. Mount Talamitam yung napili nilang akyatin. I know na baka ma-OP ako sa kabuoan ng trail kaya isinama ko yung pinsan kong babae para sa climb na to at yung hiking buddy ko na si Jaypee.

 6:00 am ang call-time pero ang malupit pa dun, sa Sta. Rosa, Laguna pa ang magiging meet-up. 2:00 am bumiyahe na kami ng mga kasama ko papuntang Laguna. Napaka-aga, iniiwasan ko lang maging cause of delay pa kami sa event nila kaya ok lang kung kami ang maghihintay. Around 4:00 am nakarating na kami ng Laguna at dumiretso na kami sa Jollibee. Kami ang nauna sa grupo and proud ako doon ha! ha! ha!

 6:00 am nang makita namin si Sir Jon (Kakilala ng Katrabaho ko - Sir Randy) and sya ang una naming nameet. Unti-unti kaming nag-assemble sa isang convenience store and nang makompleto na kami, bumiyahe na kami papuntang Nasugbu, Batangas via rented van.

 Pagdating sa jump-off, nagsecure ng guide, register. Although marami kami, nagpasya si Sir Melvin na isang guide na lang ang kukunin namin dahil madali lang naman ang trail. Nag-start na kami and syempre nasa unahan with manong guide.

Groupie muna bago mag-start!

 Halos kabahayan din ang mga nasa unang part ng trail, kung saan puwedeng daanan ng van hanggang sa part ng Layong bato. Pagkadaan ng kawayang tulay magsisimula yung tinatawag nilang forested trail. Minimal assault na kaagad, mabuti na lang at hindi maulan kaya hindi gaano maputik sa trail. May mga nakakasalubong kami sa trail na pababa galing overnight. Gaya ng nakita ko sa mga Youtube clips about sa Talamitam, madali nga lang talaga ang trail dito at puwede syang i-solo hike.

Bamboo Bridge

 After ilang minuto, nakaabot na kami sa paanan ng "Grassland" ng Talamitam. Malawak at maaliwalas ang trail dito. Ayon kay manong guide, mas matagal pa ang tatahakin namin sa grassland kesa sa ibang part ng trail, talagang chill climb nga na matatawag si Talamitam!




 Habang nag-tatake 5 ang grupo, nagpasya na kami ng mga kasama ko na medyo mauna na sa trail. Nagpaalam muna kami kay Sir Melvin and nagstart na kaming mauna sa kanila. Pagkaakyat sa "grassland", mamamangha ka sa panoramic view ng Mount Batulao. Kitang-kita sa grassland ang lawak at ilang peaks ng Batulao. Mahangin din dito kaya talagang presko ang trail. Halos panay picture picture muna ang ginawa namin hanggang sa naabutan na kami ng grupo then nagbalik na kami ulit sa trail.

Groupie with Batulao sa background

Shi & Ako


Me, Manong Guide at Jaypee feat. Talamitam


Fusion!

 Mas mahaba pa ang nilakad namin sa grassland, may mga nangingingain na mga kabayo at baka di kalayuan, minsan pa nga ay nakaharang pa sila sa daan! Isang way lang ang trail kaya hindi kami naligaw ng mga kasama ko kahit hindi namin kasama si manong guide. After ng ilang minutong paglalakad ay naabot na namin ang pinakahuling kubo. Dito nagpasya ang grupo na magpahinga muna, halos tumagal din kami dito. Ilang grupo na din ang lumagpas sa amin.

Apayang (L) & Talamitam (R)


Sir Randy and Ako

 Pagkatapos ng halos kalahating oras na pahinga, nagsimula na kami ulit sa trail - ang "Assault" paakyat sa peak. Dahil patanghali na kami bumalik sa pag-akyat, inabutan na kami ng tindi ng sikat ng araw sa trail, dagdag pa ang matataas na talahib na halos tumatakip sa amin, nagdulot ito ng init sa pakiramdam habang umaakyat. Halos tinutulak ko na din yung pinsan ko para tumuloy sya sa paglalakad. Ramdam ko na nahihirapan talaga sya pero syempre, andun ako para i-motivate sya na malapit na kami sa peak!

 After ilang minuto sa "assault area" ay naka-abot na din kami sa peak ng talamitam! Dito, malakas ang hangin pero ramdam mo pa din talaga ang init ng araw dahil walang masisilungan sa itaas! May mini-tindahan sa gilid kaya duon muna ako naki-silong ng ilang saglit.


Team PSC

 Ayon kay manong guide, kita raw mula sa peak ang Mt. Palay-Palay (Pico De Loro)  at Halcon. Pero dahil siguro sa kapal na din ang ulap at hindi ko talaga masundan ang itinuturo nya, hindi ko nasulyapan ang mga bundok na sinabi nya! Ha! Ha!

 Nagsimula ng mag-picture ang grupo ng makumpleto na kami sa itaas. Mabuti na nga lang ay may oras na kumukulimlim kaya hindi kami gaano nahirapan sa itaas. Dahil pakiramdam ko ay nabitin ako sa akyat namin, inaya ko sila na mag-twin hike patungong Apayang pero pagod na din ang grupo at mas gusto na lang din makababa din kaagad. Umayaw na din ang pinsan ko kung sakaling tutuloy kami kaya hindi ko na din talaga ipinilit.


Apayang - Babalikan kita soon!

 After ng halos isang oras sa peak ay nagsimula na kaming mag-descent. Bago bumaba ay sinulyapan ko muna si Apayang at nangakong babalikan ko din sya!

October 22, 2017
4th Hike
My 6th mountain
Mt. Talamitam (630+ masl)
Minor hike

Notes: Talamitam is part of the Nasugbu Trilogy which consists of Mt. Batulao, Mt. Apayang, and Mt. Talamitam

Comments

Popular posts from this blog

14th Hike: Montalban Trilogy V2

2nd Hike: Taal Volcano